CHAPTER 21: TGIF

1.3K 18 0

Maagang pumasok sa opisina si Vic bawi sa dalawang araw na extra-break na binigay sa kanila ng creative director at maging ang ibang kasama sa grupo ay ganun din ang ginawa.

Hi guys! Aga natin ha, sabi ni Cienne na lumapit sa table nina Kim at Mika.

Morning Cienney, sagot naman ni Mika.

Magandang umaga mga group buds! sabi naman ni Kim.

Hi bullies, sabi naman ni Vic na nagtataka at wala sina Aby at Bang.

Parang kulang tayo ha? sabi ni Kim.

Oo nga wala iyong dalawang team leader natin, dagdag ni Mika.

Baka naman nasa meeting na. Alam niyo naman kapag mga seniors bigla-bigla kung ipatawag sa meeting, paliwanag ni Cienne.

Well sabagay tama ka diyan, sagot ni Mika.

Ganito na lang guys balikan natin iyong buong reports natin per group and then let's review it baka naman may mga na-missed out tayo na important details mungkahi ni Vic saka pumunta na sa mesa niya, sumunod naman si Cienne na kasama niya sa grupo.

Si Mika at Kim ay ganun din ang ginawa.

After an hour na nagta-trabaho ang apat ay dumating sina Aby at Bang na nagulat pa busy at hindi nagkukulitan ang apat. Kung tutuusin kasi ay wala pa namang malinaw na gagawin ang mga ito dahil naka-depende sa outcome ng meeting nila sa creative director ang magiging takbo ng project.

Wow! Iba rin pala Bang ang nagagawa ng extra-day off ano, natatawang sabi ni Aby.

Ha ha ha! Surprisingly yes, nakangiting sagot ni Bang.

Kaya napalingon ang apat sa mga ito, tara guys sa mini conference room sabi ni Aby.

..... and please bring your reports and notebooks as well dagdag na bilin naman ni Bang.

At ng makapasok sa conference room ay isinara ni Bang ang pinto at sumunod kay Aby.

Sino, tanong ni Aby.

Ikaw na, sagot ni Bang saka umikot sa kabilang dulo ng mesa dahil rectangular ang mesa na para sa anim na tao.

Bago umupo inangat niya ang mini-venetian blind na cover ng wall na paglalapatan ng liwanag mula sa projector na gagamitin nila, si Aby inaayos ang slides na ipinagawa sa artist ng kanilang departamento.

Base sa naging resulta ng meeting namin kanina ni Bang sa creative management, ipinapasabi nila sa lahat na nagustuhan nila ang draft ng initial story board na ginawa natin masayang sabi ni Aby.

Yun oh! Sabi ni Kim.

Huh! Kala ko boljak tayo e, sabat naman ni Cienne.

Ha ha ha! Ano ba kayo guys wala ba kayong tiwala sa mga kakayahan natin, sagot ni Aby.

Ganito ha, iyong storyline ng grupo ni Bang at natin Kim at Mika, ime-merge natin into a full 15 minute story, pero siyempre andun yun 30 seconder standard run na pede sa radyo at tv na kailangan nating i-observe.

While bubuuhin natin into one 15 minute story ang commercial, ang konsepto pa rin dapat alinman sa slides ay maaring tumayo bilang isang commercial ad. Malinaw ba? tanong ni Aby

Kaya naman ibig sabihin for the next two weeks we will all be working very close together. Isang linggo para sa story line, meaning mula ngayon hanggang sa next Tuesday dapat matapos natin ang story board para sa lahat ng slides na kailangan at Wednesday next week hanggang Wednesday of the following week we will go back sa lahat ng kinunan natin ng footage for the actual shoot. Hopefully matapos natin lahat ito sa timeline na itinakda sa atin kasi after this .... binitin ni Aby ang sinasabi at tumingin kay Bang ... ngumiti sa mga kasama sa meeting ... we have to finish this within the said timeline para we can individually have a two week vacation, pagtatapos ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!