CHAPTER 35: RETURN AND ADMISSION

1.5K 20 3

Hey! Sleepy head wake up! Masuyong sabi ni Bang habang tinatapik-tapik ng isang daliri ang dulo ng ilong ni Vic at nakayakap ng patigilid sa kasintahan.

Hmm ... few more minutes please, sweetheart? Sagot ni Vic.

Napangiti si Bang sa sagot ng mahal ... Okay sige. Sleep all you want pero uuwi muna ako ha. Papasok pa ako, ikaw ba? sabi ni Bang na inalis na pagkaka-yakap kay Vic at tatayo na sana ng biglang bumangon ang huli at niyakap siya mula sa likod at idinikit ang mukha dito.

Sabi ko few more minutes na yakap mo pa muna ako e, paglalambing ni Vic.

Humarap si Bang dito ... Kasi po may pasok pa today. We have all the time together naman na gawin ang cuddling e, kaya lang baka naman ma-late ako sa office. Mukhang hindi ka pa ready na pumasok e, kaya sleep ka na muna dito, malambing na sabi ni Bang.

Sige na nga sunod ako sa iyo sa baba ha? Shower lang ako pero coffee tayo ha tapos hatid na lang kita sa office. Magpapakita na rin lang din ako para personal na dalin 'yun pasalubong ko sa bullies at pirmahan ang leave form ko, pero sa Lunes na ako officially papasok, sabi ni Vic.

Okay po sige, antayin kita sa baba. Wag na magtagal ha para makapag-kape pa tayo. Gusto mo bang mag-breakfast? tanong ni Bang.

Opo quick shower lang ako tapos baba din ako agad. Kahit kape na lang ako na lang mag-prepare ng puwede nating kainin sa bahay mo pagbaba ko, sagot ni Vic na hinatid na ang girlfriend sa pinto ng bahay niya.

Pagbalik ni Vic sa loob ay mabilis na nga itong naligo at nag-tokong short lang na black, polo shirt na checkered, spray ng pabango at vans shoes saka nagmadaling bumaba sa unit ni Bang.

Tok! Tok! Tok!

Hi Hon. Bilis ah! sabi ni Bang at inilagay ang kamay sa bawang ni Vic.

Of course I don't want to keep my sweetheart waiting sabi ni Vic at humalik sa noo ni Bang.

Tara coffee sabi naman ng dalaga at isinara na ang pinto ng unit niya.

Gusto mong mag-breakfast? tanong ni Vic matapos na mag-sip ng kape.

Okay lang, sagot ni Bang.

Sige ligo ka muna po at ako ng magpe-prepare ng almusal natin, masuyong sabi ni Vic.

Okay sabi ni Bang at saka naglakad na papunta ng kuwarto niya. Papasok na sana ito ng tawagin siya ni Vic.

Sweetheart? Sabi ni Vic.

Po, sabi ni Bang at saka tumingin.

Good morning! I love you! sabi ni Vic na nakangiti at naka-abre siyete na nakasandal sa upuan.

Napangiti si Bang sa narinig at saka nag-nod na parang tinatawag si Vic na sinabayan pa ng paglahad ng dalawang kamay niya.

Agad na tumayo si Vic at lumapit sa girlfriend at niyakap ito ng mahigpit. Ganun din naman ang ginawa ni Bang.

Masyadong malambing ha! Baka masanay ako masyado hindi ko kayanin kapag biglang nawala, pabirong sabi ni Bang na nasa bawang ni Vic ang mga kamay.

Bakit naman mawawala e, mahal na mahal nga kita. Nag-uumpisa pa lang tayo, first day pa lang mawala na agad ang iniisip mo? Ouch naman sweetheart! sabi ni Vic.

Sus! Saka inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ni Vic at hinila ito palapit sa kanya ... smack! Guwapo mo kainis! saka ngumiti at kunyaring itinulak na ito palayo sa kanya.

Sige na po magprepare ka na ng breakfast natin para makakain muna tayo bago pumunta ng opisina, sabi ni Bang at pumasok na ng kuwarto niya.

Masaya naman si Vic na sumunod sa sinabi ng girlfriend. Nagtingin ito ng pagkain sa ref nakita niya ang bacon, eggs, at hotdog. Kumuha ng isang supot na bacon, tatlong fresh eggs at ilang pirasong hotdog na isasama niya sa gagawing omelette.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!