CHAPTER 40: THE PUNISHMENT

1.2K 19 2

Past 8pm na katatapos pa lang ni Vic na gawin ang draft ng bagong ad project niya.

Hala! Gabi na pala. Nag-dinner na kaya siya? sabi ni Vic sa isip niya patungkol kay Bang na pinauna niyang umuwi para makapag-pahinga ng maaga.

Naglalakad na si Vic sa lobby ng building nang ...

"Hi hon! Done?" tanong ng boses.

Napaikot si Vic .... "Sweetheart? Akala ko nasa bahay ka na" tanong ni Vic.

"Nakaka-inip din naman sa bahay. Mag-aalala pa ako sa'yo kung paano ka nakauwi, kaya inantay na kita dito para sabay na tayo," malambing na sabi ni Bang saka humawak sa kamay ni Vic.

Sus! Ang girlfriend ko naman kaya nga kita pinaunang umuwi para makapahinga ka, yun pala nagpaka-pagod ka pa sa pag-iintay sa akin ... hmm anyway thank you and I love you, sagot ni Vic.

Welcome hon. Basta para sa'yo, sagot ni Bang.

Tara na po, sabi ni Vic.

Pagdating nila sa harap ng sasakyan ni Bang.

Inilahad ni Vic ang kamay niya, as if may hinihingi.

Ano iyan? tanong ni Bang.

Susi po, akin na bilis para hindi ka na mapagod ako ng magda-drive, paliwanag ni Vic.

Ako na. Kita mo nga katatapos mo nga lang sa work gusto mo pang mag-drive, giit naman ni Bang.

Ay ang sweetheart ko, gusto yatang makipagtalo pa muna, sabi ni Vic.

Dahil ayaw ni Bang ng anything na maaring pagmulan ng anumang pagka-disgusto ng mahal niya, kinuha na niya ang susi sa bag at inabot ito dito.

Ayan na po boss! pabirong sabi ni Bang.

Tinignan lang ni Vic si Bang sa sinabi saka ipinagbukas na ng pinto sa passenger seat.

Pagpasok ni Bang ay umikot na rin si Vic sa kabilang side. Ilang sandali pa ay binabagtas na nila ang Pioneer pero huminto si Vic ng makakita ng food chain.

Gusto mo drive thru na lang tayo? tanong ni Vic.

Ok lang naman, sagot ni Bang.

Ipinasok ni Vic ang sasakyan sa drive thru at saka sila nag-order ng light dinner.

Pagdating sa elevator ng building na tinitirhan nila.

Sa unit mo na tayo? tanong ni Vic.

Sige po, sagot ni Bang.

Ilang sandali pa ay nasa bahay na nga sila ni Vic.

Wait lang hon, bihis lang ako, paalam ni Bang.

Tumango lang si Vic at nagbukas na ng pintuan ng terrace ng kanyang girlfriend.

Magsisindi na sana siya ng sigarilyo ng biglang lumabas si Bang. Hanggat maari isang bagay na gusto niyang kontrolin na kay Vic na hindi nito sana mahalata ang paninigarilyo niya.

Hep, later na iyan. Kain na muna tayo, pasimpleng saway niya sa kasintahan saka ito niyakap patalikod at pilit na inilakad papunta ng dining table.

Magsisindi pa lang sana ako e, sagot ni Vic.

Maya na nga. Gutom na ako e, palusot ni Bang.

Okay sige po, sagot naman ni Vic.

Hindi nagtagal ay magkatabi na silang kumakain.

Hon, pedeng magtanong? sabi ni Bang.

Okay sige, sagot ni Vic.

Wala ka na talagang balita sa parents mo? pauna ng dalaga.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!