CHAPTER 11: BONDING

1.2K 20 0

Matapos ang masayang interview sa mga kabataan ay nagbalik na ang mga taga-Thrempton sa kanilang pansamantalang tirahan.

Pagdating nila doon ay agad na nagpaalam ang driver dahil gabi na rin naman daw at babalik na lang muli bukas ng umaga.

Agad namang tumawag si Bang sa hotel para umorder ng kanilang hapunan. Habang ang iba naman ay nagpapahinga sa veranda ng kubo kung saan ay mayroon din sala set na kawayan na maari nilang pagpa-hingahan.

In fairness sa atin guys ha hindi pa pala tayo nangangalawang sabi ni Cienne na nakangiti.

Sinabi mo pa, dugtong ni Kim.

In fairness Vic ang mga palo mo ha nakaka-bilib pa rin talaga, sabat naman ni Mika.

Si Ate Aby quick kung quick pa rin talaga ha, dugtong ni Vic.

Ha ha ha kita niyo na nanakit ngayon ang balakang ko, sagot naman ni Aby.

Pero in fairness sa nag-iisa nating Lady Falcon duma-dive pa rin ha, masayang sabi naman ni Mika.

At nagpalakpakan ang mga ito.

Ha ha ha! Kayo talaga ako naman ang nakita niyo, nakangiting sabi ni Bang pero in fairness nag-enjoy ako dun sa laro natin ha.

Sana maulit ano? singit naman ni Kim.

Oo nga e, dapat yata gawin natin iyon ng mas regular para naman mas tumindi ang bonding natin at hindi ganito na ang sakit ng balakang ko talaga, reklamo ni Aby.

Ha ha ha saya lang e. Dapat yata magpa-lineup na uli tayo sa PSL e, sabi ni Vic.

Uy Vic gusto ko iyan ha, pagsang-ayon ni Aby.

----

On the 4th day!

Guys we need to be more precise sa gagawing nating trabaho ngayong araw kasi huling ikot na natin ito dito sa Sagada, paalala ni Aby.

Okay. Sa team mo niyo ba Aby ano pa ang kulang? tanong ni Bang ... I think sa amin one or two testimonials will do na e.

Wait let me check my notes, sabi nito.

Ate Aby siguro kailangan na lang ng dagdag na testimonial para suportahan iyong lead theme natin, paalala ni Mika.

Good so iyon siguro ang focus natin today, sabi ni Aby.

Siguro pede tayo ngayon sa tourist area para hindi lang mga taga dito ang puwede nating makausap at least makakuha man lang tayo ng in puts from a local or foreign tourist magandang dagdag na perspective din iyon sa project natin di ba? suhestiyon naman ni Vic.

Maganda iyang point mo pre ha, I like that, sabi naman ni Kim.

At iyon na nga ang ginawa nila sa buong araw nilang iyon ....

Pagsapit ng Biyernes!

Yey! Finally on our last day here in Sagada, sabi ni Cienne.

Bakit Cienney hindi ka ba nag-enjoy dito? tanong ni Mika sa kaibigan.

Well of course nag-enjoy. Pero alam mo naman di ba iba pa rin kapag nasa comfort ka ng sarili mong kuwarto at kama, paliwanag ni Cienne.

Sabagay, sabi ni Mika in between reading and writing her report para sa limang araw na interview-documentation na ginawa nila para sa ad project na gagawin nilang entry para sa 2016 Advertising Congress.

In fact ang pinaka-masayang part para sa akin ng pag-stay natin dito was iyong first day ng interview-documentation natin. To be specific iyong game natin dun sa mga bata ha ha ha! sabi naman ni Kim.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!