CHAPTER 19: THE SHIPPER

1.1K 21 0

Marahan na inilapag ni Bang ang gitara nang maidilat niya ang mga mata matapos na mapapikit sa mga huling linya ng kanta. Nakita niyang bahagyang nakayuko si Vic yumuyugyog ang balikat at impit na umiiyak.

Hey! Bakit? Nag-aalalang tanong ni Bang.

Ah, wala ito tinamaan lang ako sa pagka-kanta mo. Galing kasi e, yan tuloy parang tagos sa puso, sabi ni Vic kasunod ang pilit na ngiti.

Ramdam ni Vic ang tingin sa kanya ni Bang, marahil nag-aalangan itong magtanong kaya naman habang pinapakalma niya ang sarili ay sinalinan na lamang niyo ang dalawang tea cups ng ginger tea na inihanda kanina ni Bang at saka humigop dito.

Para naman bigyan ng kaunting espasyo si Vic, tumayo muna si Bang upang kumuha ng muffins pansabay sa tsa'a.

Hingang malalim ang unang ginawa ni Vic pagkaalis ni Bang, ano ba iyan napaka-vulnerable naman ng emotions ko ngayon tapos sa harap pa ni Bang nakakahiya tuloy, sabi sa isip ni Vic.

Pagbalik ni Bang ay dala na niya ang muffins, Oh sabay natin sa tsa'a para may mangangata baka kinakabagan ka na kanina pa tayo nagkakantahan e, nakangiting sabi ni Bang.

Oo nga, parang kinabagan na yata ako e, masiglang sabi ni Vic na nakabawi na sa lungkot na naramdaman kanina.

Pansin ko maluwag ka sa oras, sabi ni Vic sa kaibigan.

Maluwag? What do you mean? sagot naman ni Bang.

Maluwag, I mean wala bang dapat na ibang kasama para sa quality time? Balik tanong ni Vic.

Aaahhh! Hmmm ... nag-isip muna si Bang ng bahagya saka kinuha muli ang gitara ni Vic at tinipa at inawit ang linyang

... "I am now about to begin

The last of my days

I'm within what others

Would call a terminal phase ... " saka huminto, ayos ba? sabi ni Bang sabay kindat kay Vic.

Ha ha ha! okay ka din ha, masayang sabi ni Vic.

Pero in fairness nag-enjoy ako dito sa music bonding natin, pag-amin ni Vic sa nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Muli itong nagsalin ng tsa'a sa mga tasa nila at sinabing ... "to friendship."

Kinuha ni Bang ang cup bahagyang inangat at inulit ang sinabi ni Vic na, "to friendship" bago idinikit ang tasa niya sa cup na hawak ng kaibigan.

Inubos lang ni Vic ang muffin na nabawasan at saka nagpaalam na rin kay Bang, hmmm masyado na akong nag-enjoy dito sa bahay mo uwi na ako, sabi ni Vic bago tinignan ang wristwatch at makitang mag-aalas dose na ng hatinggabi.

Okay sige late na rin pala. Salamat sa company ha, tsaka sa dinner kanina, sagot naman ni Bang.

So goodnight na muna. Hindi kita iistorbohin bukas promise? sabi ni Vic na nakangiti.

Napangiti si Bang sa sinabi ni Vic at sumagot, sabi mo e.

Pareho silang naglakad papunta sa main door ng unit ni Bang, si Vic na ang nagbukas ng pinto, salamat uli sabi ni Vic.

Sus! Iyon lang e, sabi ni Bang.

Bye, paalam ni Vic.

Bye sabi rin ni Bang at isinara na ang pinto.

Nakakailang hakbang pa lang si Bang mula ng tumalikod ... tok! tok! tok!

Muling umikot si Bang para buksan at nagulat ng pagbukas niya ay Vik?

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!