CHAPTER 38 THE MORNING AFTER

1.5K 24 0

It's past eight when Bang felt the ray of the sun in her face dahil manipis lang ang curtain niya and the light coming from the sun is slightly blinding her sight ... pumipikit pa siya ng saglit at saka sinilip ang katabi niyang natutulog na nakatagilid patalikod sa kanya.

Bumangon na si Bang ... banyo muna para sa morning ritual na kailangan, pagkatapos niya ay dumiretso na din sa kusina para sa pagprepare ng kape at breakfast saka bumalik ng kuwarto.

Umupo si Bang sa side kung saan nakaharap si Vic. Hinahagod niya ang buhok nito habang masayang tinititigan ang itsura ng taong mahal niya.

"You look so calm and happy, ako ba talaga ang dahilan niyan?" tanong sa isip ni Bang.

Matagal siyang nakatitig lang kay Vic hanggang sa ipatong niya ang kanyang ulo sa braso ni Vic, dahilan naman para magising ito.

Good morning! Masayang bati ni Vic.

Good morning too, nakangiting sabi ni Bang.

Parang ang sarap ng tulog mo ah, dagdag ni Bang.

Siyempre naman! Katabi ko ba naman ang taong mahal ko bakit hindi naman sasarap di ba? katwiran ni Vic.

Ha ha ha! Agang bola ha. Tayo ka na po diyan, sabi ni Bang bago marahan na hinila si Vic.

Sumunod din naman si Vic at pagkatayo niya ay agad na niyakap si Bang patalikod at hinalikan ito saka hinipan sa batok!

Good morning sweetheart! Ulit ni Vic at saka bumitaw kay Bang at nagmamadaling lumabas!

Eeei! Isa ka Vic ha! sabi ni Bang na kinilabutan sa ginawa ng mahal niya.

Natatawa naman si Vic na naglalagay ng kape para sa kanila ni Bang ngayon sa kusina dahil alam niya nakaka-kiliti ang ginawa niyang kalokohan!

Naglalakad na si Bang palapit kay Vic seryoso lang ito hindi mo alam kung inis o, kung ano, pero si Vic nakangiti pinipigilang matawa sa ginawa niya siyempre ayaw niyang maagang maasar ang taong mahal niya.

Bilang bawi niya inabot mismo ni Vic ang kape kay Bang pagkalapit nito sa mesa ... "coffee, creamed and sugared with love for my sweetheart" sabi ni Vic.

Umirap lang kunyari si Bang at kinuha ang kape at naupo na rin sa mesa.

Pagka-upo nito ay ipinaglagay siya sa plato ni Vic ng tinapay at egg at hotdog.

Thank you, sabi ni Bang.

Sweetie may plano ka ba today? tanong ni Vic.

Mag-grocery sana ng supplies dito sa bahay. Ikaw ba anong nasa isip mo? balik tanong ni Bang.

Wala naman aayain na lang sana kitang lumabas para hindi na tayo magluto e, para cuddle time o kaya laro tayo ng board games? Meron ka ba dito? tanong ni Vic.

Okay sige kain na lang tayo o kaya order kung gusto mo. Wala akong board game pero meron diyan scribbage kung gusto mo, sabi ni Bang na okay na.

Sige sige sabi ni Vic .... order na lang tayo tapos play tayo ng scribbage while waiting sa food mamaya.

Tumango lang si Vic at nagbalik sa pagkain.

Dahil tahimik si Bang ay nilalambing ito ni Vic, andiyang kunyaring susubuan ang katipan o kaya naman ay paiinumin ng kape hanggang sa makuha niya ang gusto ... finally tumawa din si Bang.

Bakit naman kasi ang seryoso? tanong ni Vic.

Wala naman antok pa siguro ako, sagot ng dalagawa.

Gusto mo pahinga ka na lang muna uli? Uwi na muna ako para makatulog ka. Baka magsawa ka agad sa akin kung magbabad ako dito sa unit maghapon, sabi ni Vic.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!