CHAPTER 28: TOWING THE LINE

1.2K 24 4
                                    

"I'm dreaming of white Christmas ....

Just like the one I used to know

May your days be merry and bright .... "

Ito ang mga linya ng kantang gumising kay Vic na sarap na sarap pa rin sa pagkakahiga sa bahay sa kama ni Bang.

Tinignan niya ang orasan 7:15 a.m., nag-inat ng kaunti, pumasok sa banyo na nasa loob ng kuwarto ni Bang at naghilamos, suklay at naglagay ng toothpaste sa daliri at isinipilyo ito saka nagpalit ng short na kinuha niya sa upuan malapit sa side ng kama na tinulugan niya.

Pagkatapos na ayusin ang sarili ay bumalik sa kuwarto si Vic na tinupi ang mga damit na ginamit niya kahapon sa opisina at inayos ang kama ni Bang.

Ilang sandali pa ay papalit na si Vic kay Bang pero bago tuluyang lumapit ay huminto siya sandali at pinagmasdan ang magandang kaibigan at masayang ngumiti at lumapit na dito.

"Merry Christmas! Masayang bati ni Vic.

Merry Christmas? Di ba dapat Good morning? sagot ni Bang.

E, di sige ulitin ko ... good morning beautiful and Merry Christmas! Masayang sabi ni Vic.

Ganda ng gising ah! sagot ni Bang.

Siyempre. Sarap matulog sa kama mo e, sabi ni Vic.

Sus! Agang bola! Oh ayan na ang kape mo. Kape na muna tsaka baka gusto mong magmadali may pasok pa tayo? paalala ni Bang.

Hmm parang mas masarap na dito na lang tayo sa bahay mo. Light lang iyong atmosphere, suhestiyon ni Vic.

Ay naku, idadamay mo ako diyan sa katamaran mo. Dapat kasi hindi umiinom kapag weekdays di ba? pabirong sabi ng dalaga.

Hindi kumibo si Vic sa halip ay nag-make face lang ito na nakangiti.

I assumed better na ang pakiramdam mo ngayon kesa kahapon? Paglilinaw ni Bang.

As of this moment, YES. maganda ang pakiramdam ko, very good mood and happy, sagot muli ni Vic.

Okay, very good then, nakangiting sabi ni Bang.

Hmm may lakad ka ba mamayang after work? Tanong ni Vic.

So, far naman wala, sagot nito.

Gusto mong mag-dinner bawi ko sa iyo dahil sa alam mo na ... he he he kagabi? Paliwanag ni Vic.

Hindi mo naman kailangang bumawi. Nagkataon na nandito lang naman ako sa bahay at dito ka inuwi ni Jessey, so okay lang besides no harm done, paglilinaw ni Bang.

Eh, basta sige na dinner tayo later ha? my treat kahit saan mo gusto, it's on me, sabi ni Vic.

Ha ha ha! Tempting ha, kahit saan ko gustong kumain? Pedeng may kasama? Pang-aasar ni Bang.

Hala daya! Dapat tayong dalawa lang. Sayo lang naman ako may atraso e, reklamo ni Vic.

Ha ha ha! Itsura mo Vic. Bilis mo talaga mag-shift ng mood, pansin ni Bang.

Basta magdi-dinner tayo mamaya. TAYONG DALAWA LANG! mariing sabi ni Vic.

Okay fine! pagsuko naman ni Bang.

Inubos agad ni Vic ang kape niya at nagpaalam kay Bang.

Akyat na muna ako ha. Kahiya naman sa magandang ale diyan kung male-late pa siya dahil sa akin, sabi ni Vic.

Bakit naman ako male-late may kanya-kanya naman tayong sasakyan, sagot nito.

Tsaka ipinakita ni Vic ang susi ng kotse ni Bang na iniikot-ikot pa ni Vic sa daliri niya ...

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon