CHAPTER EIGHT: SILENT WISHES

1.3K 20 0

Maagang natapos ang hapunan ng magkaka-opisina at agad din nagsipag-puntahan agad sa kani-kanilang kuwarto dahil maaga silang gagayak bukas base sa naging kasunduan nung hapon.

Sa kuwarto nina Kim at Cienne

Kim, sa tingin mo okay na ba talaga si Mika at Vic? tanong ni Cienne.

Base sa galaw nung dalawa nung magla-lunch tayo at sa buong pagdating natin dito parang maayos naman na sila, sabi ni Kim habang inaayos ang mga gamit na dadalhin bukas sa pag-iikot nila.

Sayang ano hindi natuloy ang KaRa, may panghihinayang sabi ni Cienne.

Wala e, ganun talaga. Okay na rin iyon ang importante bumalik na ang dating Vic, makulit at masayahing kaya better na iyon. Saka sweet pa rin naman sila ni Mika e, kaya i-enjoy mo na lang kung anong natitirang meron diyan sa ship mo, natatawang sabi ni Kim.

Ha ha ha! Sabagay kesa sa mawala ng tuluyan, sagot naman ni Cienne at saka na napahikab.

Good night na ako ha, sabi ni Cienne at humiga na sa kama niya.

Good night din, sagot ni Kim na nahiga na rin sa puwesto niya.

Sa kuwarto nina Mika at Vic

Vic tulog ka na ba? tanong ni Mika na nakahiga na sa kanyang kama.

Nagpapa-antok na Miks. Bakit hindi ka ba makatulog? Sabi ni Vic.

Oo e, namamahay ako. Hmm tabi na lang please, pede? Lambing ni Mika.

Ha ha ha! Ikaw talaga! Kunyari pang namamahay daw, di na lang sabihin na nami-miss ako at gustong katabi, pang-aasar ni Vic sa kaibigan.

Assuming ha! Pero sige pagbibigyan kita kasi gusto ko talaga ng katabi tonight sabi naman ni Mika na umusog na ng puwesto para bigyan ng espasyo si Vic na tumayo na at tatabi na sa kanya.

Tulad ng dati nasa kanang puwesto si Vic humiga at pagkahiga niya otomatikong umikot si Mika paharap sa kaibigan ... sabay stretch naman ng braso ni Vic para doon mag-unan si Mika at saka nag-sideways.

I miss this. Yun sweetness natin dati, yun ganito masaya lang, sabi ni Vic.

Ako din naman e, sobrang na-miss ko ito yun tayong dalawa lang, sagot naman ni Mika.

Hinahagod-hagod ni Vic ang buhok ni Mika at saka ito hinalikan sa ulo.

Vic ang dami ko ng hindi alam sa iyo. Lalo na sa loob nung tatlong taon na nawala ka sa Pilipinas. Alam ko partly kasalanan ko ang pag-alis mo kaya sorry sa mga nagawa ko sa iyo dati, malungkot na sabi ni Mika.

Sssshhhh! Huwag na natin pag-usapan at balikan ang nakaraan okay. Ayos naman na tayo e. Saka tanggap ko na hanggang dito lang talaga. Pero I wouldn't deny na umasa ako at nasaktan kaya kailangan kong lumayo nuon upang ayusin ang sarili ko. Ngayon, okay na uli ako and nothing to worry or be sad about, hmm? paliwanag ni Vic.

Salamat Vic sa laging pag-unawa. Pangako ha, hindi mo na uli ako iiwan. Please? masuyong pakiusap nito sa kaibigan.

Pangako po, hindi na uli ako mawawala. Isang tanong lang . . . pede? para sa ikatatahimik ng isip ko, pero after nito kahit kalimutan mong tinanong ko ito sa iyo at sinagot mo naman. Did you ever love me more than your bestfriend?

Tumingin si Mika sa mga mata ni Vic. Kahit patay na ang ilaw at liwanag na lang na nagmumula sa mga bituin ang nagbibigay liwanag sa kanila, dama niya pa rin sa pamamagitan ng mga mata ni Vic ang espesyal na pagtangi sa kanya ni Vic.

Siguro nga panahon na para sagutin ko hindi lang kay Vic kundi para na rin sa sarili ko ang tanong na iyan. Bumuntong hininga muna si Mika at saka inabot ang kamay ni Vic ... "Yes. I fell in love with my bestfriend. I  fell in-love that I've messed up big time ... sad face tutal hindi ito makikita ng taong katabi, yakap at hawak niya ang kamay ngayon because I don't know what to do."

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!