CHAPTER FIVE: THE ANNOUNCEMENT

1.6K 24 0

Nagising si Vic ng mag-aalas sais ng umaga naisipan niyang mag-quick bath at saka nagsuot ng pang-jogging attire niya at ... "jogging muna para fit sa work later at siyempre pantanggal ng bad vibes," sabi ni Vic sa sarili.

Sinadya ni Vic na kumuha ng unit na malapit lang sa pinapasukang opisina na matatagpuan sa Crown Plaza sa Ortigas para sa ganitong pagkakataon na gusto muna niyang mag-jog ay hindi isyu ang oras ng pagpasok.

Nasa last lap na si Vic halos at pabalik na ng lobby ng may mapansin itong babae sa kabilang dulo ng park .... "parang siya e, pero sobrang small world naman kung dito din siya nakatira," sabi ni Vic na kinakausap ang sarili. "Imposible" at saka ito tuluyang nag-jog papunta ng lobby ng tinitirhan niyang condo.

Pagpasok ni Vic sa kanyang unit ay nag-bukas muna ito ng kanyang component at saka nagpatugtog at saka naglagay ng tubig na ipapakulo para sa kanyang hot chocolate.

"Chocolate na muna kasi sigurado mamaya sa opisina unli coffee na naman kapag stress sa work. Teka nasasanay na yata akong kausapin ang sarili ko ha! Kamusta na kasi si Jus. Mas lamang pa iyong nasa ibang bansa siya kesa magkasama kami para tuloy akong walang girlfriend," maktol ni Vic sa sarili.

Maya-maya pa ay ... beep beep beep!

Aga namang tawag nito sino kaya sabay kuha ng phone na nakapatong sa ibabaw ng console table ... "Vic lunch kaya tayo mamaya gusto mo ayain ko si Bangnita?" bungad ni Tin.

"Ha ha ha! Puwedeng good morning muna Ate? Huwag na kayo na lang dalawa. Mamaya kung ano pang isipin nun. Saka remind po kita ha, may girlfriend po ako hindi lang kaya halata! Nang-aasar na sagot ni Vic sa kaibigan.

Sus! Ikaw din sayang ang chance. Pero sige balitaan na lang ulit kita. Babooosh! Saka agad na ibinaba ang tawag.

Kahit kelan talaga itong si Ate Tin walang palya!

Nagtimpla si Vic ng hot choco saka nag-toast ng tatlong tinapay at pinalamanan ng nutella.

Yum! Mabilis ang light breakfast ni Vic at agad din itong pumasok sa kuwarto para maligo at mag-prepare para sa pagpasok niya.

Wala namang dress code sa office kaya, okay naman na siguro itong skinny jeans na dark ko at ternohan na lang ng plain white na long sleeve polo para may kaunting formality, sabi ni Vic sa sarili.

Sinipat sa salamin ang mukha, okay guwapo! Sabay labas ng kuwarto.

Way before 9 am ay naka-upo na si Vic sa puwesto niya, nauna ng bahagya sa pagdating ni Bang opisina ... pagkakita niya sa dalaga at ibubuka pa lang niya ang bibig para mag-good morning ng titigan siya nito na parang sinasabing "what?" Kaya sa halip na magsalita ay isinara na lang niya ng tuluyan ang bibig.

Napatawa naman sa isip niya si Bang, "ano kaya sasabihin mo? Good morning? You look good today? Or simply hi? pero really sorry for the trouble Vic hindi pa pede ayaw makipag-reconcile ng katinuan ko sa katawan ko e. One day soon I will make up kapag natapos na ako sa kalituhan na ito, I will be a good friend," pagmumuni-muni nito sa isip niya.

Agad na pumuwesto si Bang para naman simulan din ng maaga ang trabaho kasi pauwi bukas ang boyfriend niyang si Aldrin at gusto niya sanang maghanda ng kaunti kahit man lang simpleng dinner kaya kailangan niyang makapag-grocery.

Pero bago pa ang lunch break ay ipinatawag ang grupo ni Aby na kinabibilangan nina Mika, Kim at Cienne at ganun din si Bang at Vic.

Sa conference room ...

Creative Director speaking ...

Guys I'm sure you are all wondering what the meeting is all about? diretsong sabi ng kanilang creative director. I want you all to finish within three days all your pending assignments especially iyong mga nasimulan or ongoing na.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!