CHAPTER 20: REINTRODUCTION

1.3K 20 0

Vic, nagluluto ka na? panimula ni Tin sa kaibigan.

Naghahanda pa lang, dami ko pang niligpit dito sa kusina e, sagot ni Vic. Gutom ka na ba?

Hindi pa naman. Okay lang ba, Vic kung pasunurin ko dito iyong friend ko? para tuhog na iyong bonding time ko sa inyo, paliwanag ni Tin.

Basta girl iyan okay na okay, kahit dito pa siya mag-dinner. Pero kapag pare din sorry na lang, pang-asar na sagot ni Vic.

Lalo namang nabuhayan ng loob si Tin, Talaga? okay lang na dito mag-dinner ang girly friend ko? paniniguro nito.

Basta nga girl pede sabi e. Maganda ba iyan? Ha ha ha! pagbibiro ni Vic.

Panalo to Vic, kita mo mamaya pagdating, masayang sabi ni Tin. Ay wait klaruhin ko lang, nandito ba sa Pinas si Jus? paghabol na sabi nito.

Ha ha ha! Wish Tin, kaya lang wala e, nilayasan na ako for good, pabirong sabi ni Vic.

Yown! Tiyempo kasi balita ko single na rin itong friendship ko e, sabi ni Tin.

Ha ha ha! Ikaw talaga plano mo talagang maging match-maker ha? Natatawang sabi ni Vic.

Well, ngayon lang naman. Feel ko kasi bagay kayo nun friend ko e, kaya sarapan mo iyang luto mo ha, paalala ni Tin.

Sige, sige sasarapan ko ito at tignan naman natin kung masarap pintahan iyang kaibigan mong sinasabi, sagot ni Vic.

Tutal nagluluto ka pa naman diyan, layas muna ako ha. Puntahan ko iyong friend ko sa unit niya para naman may solo bonding pa kami bago ko dalhin dito, masayang sabi ni Tin.

Sige go, babooosh! sagot ni Vic.

----

Tok! Tok! Tok!

Sandali lang! sabi ni Bang.

Pagbukas niya ng pinto ..... Baangneeetaaaaa! sigaw ni Tin.

Huy! Tin, grabe naman iyan! Tara dito sa loob sabi ni Bang na nagulat sa akala mo'y isang dekada nilang hindi pagkikita ng kaibigan.

Kamusta na ang puso natin, bungad ni Tin kay Bang ng makapasok na ito sa loob ng bahay ng kaibigan.

Ha ha ha! Iyon e, pinuntahan mo ako para diyan sa A & A (Abunda and Aquino) mo e, sabi ni Bang.

Hindi kaya, depensa ni Tin. Concern nga ako sa matters of the heart mo e, kaya nandito ako to make sure na soon e, magiging happy heart na iyan, sabay turo sa dibdib ni Bang.

Ganun! So sino ba iyang friend na iyan at parang sobrang saya mo naman te, sabi ni Bang.

Someone pogi, bagay sa iyo, natatawang sabi ni Tin paano naman kasi shipper siya ng Bang at Victonara (BaRa) kaya ngayon pa lang na-excite na siya sa sariling plano.

Maka-pogi ka diyan ha. Taas ng confidence sa friendship mo te? pabirong sabi ni Bang.

Oo naman ano! Sigurado ako na magugustuhan mo ito. At kaya ako nandito, para sabihin sa iyo na maligo ka na at dun tayo sa house niya maghahapunan. Masarap iyon magluto kasi kapampangang katulad mo, pag-eenganyo ni Tin.

Sige benta sa akin iyong masarap na pagkain, pero to see is to believe ako dun sa kaibigan mo ha, sabi ni Bang.

Whatever, sige na maligo ka na muna, pagmamadali ni Tin sa kaibigan.

Excited much? natatawang sabi ni Bang.

Not really pero may kasabihan nga masamang paghintayin ang grasya, nakakalokang sabi ni Tin.

Ha ha ha! double meaning din e, ano? Sige na maliligo na ako save ko lang itong ginagawa ko sabay ligpit sandali, sabi ni Bang.

After 45 minutes after ay palabas na sana sina Bang sa bahay nito ng biglang ... ay teka parang nakalimutan ko pala ang panyo ko, pahiram naman sandali, sabi ni Tin.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!