CHAPTER 23: SLEEPOVER

1.3K 20 2

Sumunod si Bang sa kuwarto kung saan nagtitingin pa rin si Vic ng dvd na pedeng panoorin though nakapili na siya.

Binuksan ni Bang ang tv at player saka nagpaalam sandali kay Vic.

Wait lang ha, sabi ni Bang saka iniwan si Vic sa kuwarto.

Hmm scroll na lang muna ng channels baka may magandang palabas, bulong ni Vic bago humiga sa kama ni Bang.

Puwesto si Vic ng pa-slant na higa sa isang side ng kama, bahagyang nakalaylay ang binti since inaantay niya pa naman si Bang.

Patuloy sa paghahanap ng palabas si Vic hanggang sa bumagsak siya sa "Confessions of a Shoppaholic."

Si Bang naman .. .

Nagpunta sa kusina at nagbukas sa ref. Kinuha ang manok na ibinaba niya kanina mula sa freezer saka naghiwa ng sibuyas at bawang, pinahiran ng ibat-ibang spices and herbs ang manok at tinimplahan bago isinalang sa oven at inilagay sa low heat at naka-timer ng 2-hours para automatic na mag-off ito.

Inihanda din niya ang asparagus hinugasan ito at ipinatong sa malinis na kitchen towel at ng bahagya ng tuyo ay nirolyohan ang asparagus ng prosciutto at ibinalik sa loob ng ref. Ni-ready na ni Bang para mamaya isasalang na lang uli sa oven. Saka naman siya nagtimpla ng juice green tea at ipinasok muli sa refrigerator para malamig na ito mamaya.

Matapos ang lahat ng pagpe-prepara ni Bang sa kusina para sa hapunan nila ni Vic dahil napansin niyang alas singko na rin ng hapon ay saka pa lang siya pumasok sa kuwarto at kaya naman pala tahimik na ang kaibigan dahil nakatulog na ito habang nakahiga sa kanyang kama.

Marahang lumapit si Bang sa player at in-off ito at saka dahan-dahang umupo sa kama malapit sa headboard para hindi magising si Vic na himbing na ang tulog.

Siguro antok pa ito, anong oras na rin nga naman kami nakauwi kaninang daling araw, sabi ni Bang at saka itinuon ang atensyon sa palabas sa telebisyon ilang minuto pa ay antok na rin siya kaya humiga ito ng ayos.

Sa sarap ng tulog nila ay hindi na nila namalayan na gabi na.

Naalimpungatan lang ang dalawa at biglang napaikot sa pagkakahiga na paharap sa isa't-isa dahil sa mga boses na nagtatawanan sa loob ng kuwarto. Nadaganan pala ang remote ng tv kaya napalakas ito ng sobra at sakto naman na "Gags for Laugh" na ang palabas.

At ng ma-realize nila kung saan nanggagaling ang mga tawanan, napatawa din sila parehas dahil sa mga reaksyon nila saka muling humiga ng diretso nakaharap sa kisame.

Si Vic hinilamos ang kamay sa mukha dahil sa hiya.

At si Bang naman ay tinakpan ng dalawang kamay ang mukha dahil sa biglaang realisasyon na kung hindi pa napindot ang remote ng tv malamang ay bukas na siya ng umaga magising. Grabe sa sarap ng pagkakatulog niya kasama ng bagong kaibigan .... Hmmmm kaibigan nga lang ba!

Pagka-alis ng kamay ni Vic sa mukha ay nag-sideways ito at humarap kay Bang, miss anong oras na kaya? Nakangiting tanong ni Vic.

Inabot naman ni Bang alarm clock niya sa tabi ng side table sa bandang ulunan at nagulat ito

Gosh! Past 10 na pala ng gabi, gulat na sabi ni Bang saka umupo pero nakasandal pa rin sa kama.

Hala! Talaga! Grabe haba pala ng tulog ko, nagtataka din sabi ni Vic.

Ha ha ha! Oo nga e, akala ko nanonood ka na ng movie yun pala nasa biyahe ka na, biro ni Bang.

He he he! Sarap kasi dito sa kuwarto mo e. Siguro dapat dalasan ko ang pakiki-tulog dito no? parang limang oras yata iyong pahinga na iyon e, pabirong sabi ni Vic.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!