CHAPTER ONE: BUMPING INTO EACH OTHER AGAIN

3.8K 36 0
                                    

Early November

(Itsura ng war room isang malaking kuwarto na may napakaraming office desk. Mayroong nakaharap sa pader, may nakatalikod sa ding-ding, may magkakatabi at mayroon namang hiwalay sa tao. Naka-ayos ang bawat mesa ayon sa gusto ng magte-table na empleyado. At ito ay hindi isyu sa management dahil para sa isang kilala at mahusay na advertising agency hindi lang sa bansa kundi sa ibang bahagi man ng daigdag mas importante ang kanilang output at kung paano nila mas madali at komportableng magagawa ang trabaho ay okay ito.)

Sa war room kung saan magkakasama ang ibat-ibang units ng creative team ng advertising firm na Marie Thrempton (fictional Ad agency).

Ang iba ay busy sa paggawa ng concept o story board para sa isang tv commercial, ang iba ay para sa digital billboard, samantalang mayroon naman busy sa pag-ayos ng radio ads.

Dahil nga nasa isang malaking kuwarto ang mga ito, hindi maiwasan ang ingay pagkat madalas ay nagkaka-sabay ang pagsasalita ng ilan sa mga ito. At siyempre meron din mga nagku-kuwentuhan at nagbibiruan.

Sa tuwing ganito kalala ang sitwasyon meron laging ...

Shhh! Shhh! Shhh! Puwedeng hinaan ang mga boses? mataray na sabi ni Bang.

Ganito kasi si Bang kapag magsisimula na itong mag-draft ng kanyang story board, lalo pa at kagagaling lang niya sa isang meeting para sa isang rush na advertising campaign.

Nakaka-inis naman kasi bakit kailangan parang laging nasa palengke. Hindi ba nila alam na may mga taong nagta-trabaho at ayaw ng ingay nila! mataray na sabi ni Bang sa sarili habang padabog na iniurong ang mesa palayo sa katabi nitong kapwa senior creative writer.

Lingid kay Bang may isang set ng mata na nakatingin sa kanya at ino-oberserbahan ang galaw ng ibat-ibang kasamang tao sa loob ng malaking glass room na ito na nagkataon din na sobrang lamig.

Taray pala niya. Ka-nerbiyos naman nitong babaeng ito halos magkatabi pa naman kami ng mesa baka mamaya masampolan ako ha. Sayang ang ganda pa naman kaya lang parang hindi naman marunong ngumiti, warning ni Vic sa sarili habang nakatayo papasok sa harap ng bagong department unit niya dahil nailipat na ito mula sa marketing unit na dati niyang kinaroroonan.

Hindi bale at least ngayon nasa creatives na ako. Ayoko na sa marketing andun man ang pera nakakasaid naman ng pasensiya ... Pero dito pala kami sa unit na ito muling magkikita. Sana hindi siya galit at lalong sana maging okay kami, sabi pa ni Vic.

Tahimik na naglakad si Vic papunta sa kanyang mesa pero habang naglalakad siya ay nadaanan niya ang nagkukumpulang sina Cienne Cruz, Mika Esperanza, Aby Marano, Kim Fajardo at Mika Reyes.

Nagbubulungan ang grupo matapos na sumitsit ang masungit na si Bang. Takot lang nilang ma-strike two. Mahirap na, hindi magandang mainis si Bang dire-diretso itong magsalita parang galit lang lagi sa mundo. Sasabihin at sasabihin kung anong nasa isip at lumabas sa bibig na walang pakundangang kaya pabulong na lang ang usapan.

Halos nasa tapat na ni Mika si Vic papunta sa naka-assign na table ng magsalita si Kim at bumati dito.

Hi! Ikaw na ba iyan Vic? Kalmadong sabi ni Kim dahil ayaw niya ngang masita muli ni Bang. 

Obvious na busy na ito at nagu-umpisa ng gumawa ng kanyang story board dahil naka-suot na ang salamin sa mata.

Ah, hi. Kim pre! Magkakasama pala kayo dito ha pabulong na sagot ni Vic.

Oh e, bakit bumubulong ka? napalakas na pagkakasabi ni Aby sa dating barkada na ngayon ay bagong kasama nila sa department.

Sakto namang nag-angat ng ulo si Bang para tignan kung saan galing ang ingay.

Na siya namang sagot ni Vic, "na ssshhh hina lang ng boses! kakapasok ko pa lang baka masita na ako agad e."

Napangiti na lang ang grupo ni Kim saka sumenyas kay Vic na sige na at dumiretso na sa kanyang table.

Ibaba pa lang ni Bang ang ulo at ibabalik ang paningin sa computer ng may magsalita, well mahinahon at hindi kalakasan kaya tumingin ito sa pinagmulan ng boses.

"Hi" sabay taas ng kamay na parang tinawag sa attendance check sa klase (half-raise). 

Mmm Vic remember? sabi nito, pero dahil tinignan lang siya ng blangko ni Bang agad din itong bumawi at nagsabi, Sige balik ka na uli sa work. Inisip ko lang kasi baka magulat ka na may katabi ka bigla sa puwesto mo.

At saka nagmamadaling inayos ni Vic ang mesa at inilabas ang kanyang laptop mula sa bag para simulan ang mga gagawin.

Samantalang si Bang tinitigan lang ang bagong kasama at hindi man lang nagbigay kahit simpleng hi o hello.

Pero bulong ni Bang sa isip nito, shit bakit nandito siya?

Bina-Browse ni Vic ang kanyang mga notes mula sa katatapos na meeting bago siya ilipat sa creative department. Ang unang assignment na natoka kay Vic ay para sa commercial ad ng sapatos na ipapalabas sa telebisyon.

Kahit walang formal introduction sa kanya sa bagong unit na kabibilangan, okay lang dahil overwhelmed pa siya sa kanyang paglipat sa dream unit niya which is the creative department, kaya carry na lang.

Half-way finish na ang initial draft ni Vic para sa unang story board assignment ng tawagin ito ni Mika Reyes, "Uy Vic tara muna break time na. Magla-lunch na kami sabay ka?"

"Salamat. Sige una na muna kayo bawi na lang ako sa ibang araw. Try ko lang tapusin ito para dire-diretso ako," sabi ni Vic.

"Okay" sagot naman ni Mika.

Tinignan naman ni Vic ang relo 11:30 pa lang ng umaga siguro kahit mga one hour or one and half hour kaya pa ng tiyan niya, sabi nito sa sarili.

Napatingin naman si Bang sa nagsasalitang si Vic dahil saktong tatayo ito at kukuha ng kape sa pantry, gusto sana niyang alukin si Vic pero firm ang desisyon nito na hindi puwede at hindi dapat.

At kahit naman pilit na alisin ni Bang ang bagong kasama sa departmento sa isip niya hindi madali, dahil na rin sa weird na engkuwentro nila. 

Ngunit dahil focus si Bang sa kanyang trabaho pilit muna nitong inalis sa isip ang ganung alalahanin."Not this time please dami pang trabaho," bulong ni Bang sa isip.

Diretso lang sa trabaho si Vic. Pilit na sina-shutdown ang mga tao at ingay sa paligid para walang hassle sa work.

Engrossed si Vic sa idea na siya na mismong nagsusulat ng konseptong kalimitan noon ay ibine-benta niya sa mga kumpanyang nagpe-place ng ads sa tv man, radyo, billboard at social media accounts.

Sabi nga ni Vic sa sarili finally pede na niyang i-claim na she made it! 

Tapos na ang pagpipilit niyang magsalita sa harap ng mga estranghero na ang iba ay nagpe-feeling close sa kanya. Ngayon pede na niyang i-enjoy ang pakiki-paglaro sa kanyang isip.

Nang biglang magreklamo ang kanyang sikmura ... Kruk! Kruk! Kruk!

Shoot hapon na. Kaya naman pala medyo ang sakit na ng ulo ko, sabi ni Vic. Sabay bitaw sa hawak na ballpen at save ng ginagawa sa computer para siguradong hindi ito mabubura.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon