CHAPTER 29: BREAKING BOUNDARIES

1.2K 26 5

Past seven ng gabi ay nasa bahay na si Vic, mag-drive thru na siya sa food chain para hapunan niya ngayong gabi.

Nag-alis na muna ito ng sapatos at medyas saka nagpunta sa kusina para gumawa ng hot tea at naupo sa dining table at inilabas ang mga dalang pagkain na nasa loob ng paper bag.

Tahimik na kumain si Vic at pagtapos ay niligpit ang pinagkainan.

Masyadong tahimik yata bigla ang paligid ko, sabi ni Vic na naninibago sa sarili niyang mundo bigla.

Kainis naman kelan pa ba ako huling na-bore dito sa sarili kong bahay, muli niyang sita sa sarili, kaya naisipan niyang buksan ang component at i-tune in ito sa 96.3 Easy Rock pang-pakalma ng nerves, sabi muli nito.

Makapag-shower na nga lang muna baka sakaling ma-refresh pati ang isip, sabi ni Vic.

Makaraan ang ilang minutong paglalagi sa banyo at kuwarto ay muling lumabas sa sala habang nagpe-play ang music sa FM station, naisip ni Vic na kunin ang gitara at mag-strum at sabayan kung ano man kantang maganda na ipe-play ng dj.

Hmm kulang itong alone time ko e, dapat may kasabay, sabi nito saka tumayo at kumuha ng 6-pack bottles ng Smirnoff Mule sa ref niya at binitbit ang kaha ng yosi sa terrace at nilagay sa dim light ang ilaw ng buong bahay niya.

Yon, ganda sa mata nakangiting sabi ni Vic at nagtungo sa terrace para pakinggang kung sapat ang audio sound ng component para umagot hanggang doon.

Pabalik pa lang muli si Vic sa terrace ay tumugtog na ang kantang Coldplay ng Scientist kaya sinabayan na niya ito ng pagkanta.

"Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you

Tell you I need you

Tell you I set you apart

Tell me your secrets

And ask me your questions

Oh, let's go back to the start ...."

Hindi nagtagal ay natapos ang kanta kaya nagsindi muna siya ng yosi at nagbukas ng isang Smirnoff.

Ahhh! Sarap! Sabi ni Vic saka sinabayan ang panibagong kanta, this time ng PASSENGER – Let Her Go.

"You see her when you close your eyes

Maybe one day you'll understand why

Everything you touch surely dies

But you only need the light when it's burning low

Only miss the sun when it starts to snow

Only know you love her when you let her go

Only know you've been high when you're feeling low

Only hate the road when you're missin' home

Only know you love her when you let her go

Staring at the ceiling in the dark

Same old empty feeling in your heart

'Cause love comes slow and it goes so fast ... "

Nakalimutan na ni Vic ang topak kanina at nagsisimula na muling i-enjoy ang time alone niya. At para walang sama ng loob on her part, kinalimutan niya na maaring dumaan si Bang ngayon gabi para tuparin ang second pat ng bawi sa kanya.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!