CHAPTER 33: WHILE GRIEVING

1K 17 6

It was Thursday night paalis na sana si Vic ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagpatila muna siya bago umalis ng bahay.

Around 9:30ng gabi nang papunta na si Vic sa ospital kung saan nasa ICU pa rin ang tiyuhin niya. Nakikipag-kuwentuhan pa siya sa driver nang tumunog ang cellphone niya, it was a short text message.

"Wala na si Uncle makakapag-pahinga na siya," the message said.

Kaya sa sasakyan pa lang umiiyak na si Vic. Halo-halong pakiramdam na lahat may kinalaman sa sakit.

Pagdating sa waiting area kung nasaan ang ibang kaanak, walang nagsasalita, lahat namumula at namamaga ang mga mata galing sa pag-iyak ang karamihan.

Yakap sa pinaka-malapit na kaanak at sa eventually ay naging bunga ng pagmamahalan ng kanyang Uncle Felix at Tita-Mama.

Ilang oras pang nananatili sa ospital ang pamilya nila Vic, inaantay ang funeral services na maglilipat sa labi ng amain niya bago umuwi sa bahay at pag-usapan ang magiging plano ng mga kaanak.

"Vic hindi ko na ibuburol ang uncle mo ha? Ipapa-cremate ko na lang siya," sabi ng Tita-Mama nito na bago pa la siya makarating ng Australia ay kagagaling lamang sa operasyon dahilan sa breast cancer.

Sige po Tita-Mama kung ano sa tingin niyo ang dapat, sabi ni Vic sa pangalawang nanay niya saka ito niyakap at hinalikan.

"Inantay niya lang ako anak na makalabas ng ospital at para mahalikan ko pa siya at mayakap tapos bigla wala na siya," sabi muli ng tita ni Vic.

Tita-Mama kailangan niyo pong maging matatag at malakas, hindi pa magaling ang sugat niyo mula sa operasyon, paalala ni Vic.

Nakakalungkot lang kasi bago nangyari lahat ng ito masaya pa kaming nag-usap sa telepono, nagbibiruan pa kaming nagpapalitan ng pagbati para sa ika-30th wedding anniversary namin. Kinuwento niya pa na nilinis na niya ang kotse bilang paghahanda dahil siya daw mismo ang magmamaneho at susunduin niya ako sa ospital, naluluhang paggunita ng tiyahin ni Vic.

Tita-Mama alam ko po kung gaano niyo kamahal si uncle pero alam niyo rin na hindi niya gustong mahirapan at masaktan kayo di ba? Naririnig niya pa tayo ngayon dito sa bahay kaya sana huwag nating hayaan na maging mabigat at malungkot ang pag-alis niya. Dapat makita ni Uncle na magiging okay pa rin tayo para sa kanya, sabi ni Vic.

"Salamat anak, salamat," sabi ng tiyahin nito.

Tatlong araw pa ang nagdaan bago nagdesisyon si Vic na bumalik ng Pilipinas.

Tita-Mama, kailangan ko na pong bumalik sa Pinas, pero ipangako niyo sa akin na aalagaan niyo ni Anna ang isa't-isa at hindi pa kayo susunod kay uncle ha? paki-usap ni Vic sa tiyahin.

Oo naman anak. Magtatapos pa ng pag-aabogasya ang pinsan mong si Anna, sabi ng tiyahin.

Mabuti naman kung ganun Tita-Mama kasi ipapakilala ko pa po sa inyo ang taong mahal ko kasi hindi na ito naantay dumating ni uncle, sabi muli ni Vic.

"Oo anak para sa inyo ni Anna matagal pa ako bago sumunod sa uncle niyo. Nag-iisa lang ang pinsan mo gusto kong samahan pa siya sa magiging buhay niya bago tuluyang magpahinga sa mundong ito," pangako ng tiyahin ni Vic.

Mahal na mahal kita Tita-Mama, kayo ni Uncle Felix at Anna, parte kayo ng buhay ko at pagkatao hindi ako magiging ganito katatag at kayos bilang tao kung hindi dahil sa inyo. Kung sakaling magkaroon ng problema magpatawag lang kayo ha? babalik po uli agad ako dito. At sana Tita-Mama sa bakasyon ni Anna umuwi muna kayo sa Pilipinas please? sabi ni Vic.

Sige anak, pagkabakasyon sa law school ni Anna uuwi kami sa Pilipinas para magkasama-sama tayo ng mas matagal. Kelan ba ang uwi mo? tanong ng tiyahin niya ngayon.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!