CHAPTER 12: "I Love You Goodbye"

1.3K 27 0

Katatapos lang maghapunan ng magkaka-opisina.

Oh tapos na ang trabaho natin dito ano na gimik natin? tanong ni Kimmy.

Ano ba gusto niyo? Tanong ni Aby.

Pedeng relax naman tayo? sagot ni Cienne.

Okay lang pero sana huwag na tayong lumabas katamad na e, suhestiyon ni Bang.

Ligpit na kaya muna tayo ng mga gamit para bukas go na lang talaga, sabi ni Mika.

Okay naman iyan pero pagkatapos nun, ano ng gagawin natin? Mahaba pa naman iyong gabi saka last night na natin dito dapat may gawin naman tayong something memorable, muling sabi ni Kim.

Sige ganito, mukha namang maga-agree kayo e, pagkatapos nating magsipag-ayos ng mga dalahin natin pabalik ng Manila dun tayo sa veranda. Order na lang ako ng drinks sa hotel, ano ba ang gusto niyo? Sabi ni Aby.

Yown! Sigaw ni Kim.

Talaga naman basta pagdating sa inuman Kimmy ha! sabi ni Vic.

Sus! Kala mo naman hindi niya din iyon gusto, sagot naman ni Kim.

Sinabi ko nga! Ate Aby dun na lang tayo sa likod mas maganda dun tumambay mas presko pa ang hangin, dagdag ni Vic.

Oh sige na mag-umpisa na kayo tatawag lang muna ako, sabi ni Aby.

Tara na nga Imy, tawag ni Cienne kay Kim.

Veeekkk! Piggy back ride please? hirit ni Mika.

Mika kakain lang e, reklamo ni Vic.

Ganyan tayo e, minsan lang maglambing ayaw ng pagbigyan kunyari pagtatampo ni Mika.

Sus! Nguso mo Mika. Tama na, oo na eto na po oh, saka bahagyang nag-bend ng tuhod at yumuko para bigyang daan ang pagsampa ng kaibigan.

Yey! Love you Vic! masayang sabi ni Mika.

Sus binola mo pa ako! Bilis na sakay na! sagot ni Vic.

Thanks! Sabay pulupot ng kamay sa leeg ni Vic ... Bye Bang bang kunyari binabaril pa nito si Bang.

Natawa naman si Bang sa sinabi ni Mika. Ha ha ha! Ikaw talaga ako na naman nakita mo ha!

Saka naman ito naglakad na rin papasok sa kuwarto nila ni Aby para ayusin ang mga gamit. Patapos na si Bang sa pag-empake ng kanyang mga gamit ng mag-ring ang phone niya.

Hi babe! Kamusta ka? Masayang bati ni Bang sa kausap.

Oh e, bakit na naman ganyan. Di ba sabi ko nga nandito ako sa out-of –town. Wait na lang bukas naman nandiyan na ako e. Early dinner na lang siguro. Oo nga bawi na lang ako pag-uwi .... naman babe kailangan ba lagi tayong nagtatalo? Trabaho naman ito e. Let's talk when I get back okay. Good night na. Hindi, sige na I need to go na .... Ilang sandali pa ay ibinaba na rin nito ang telepono.

Maya-maya pumasok ng kuwarto si Aby.

Oh, ikaw di ka pa ba mag-aayos ng mga gamit? Tanong ni Bang kay Aby.

Eto na nga magliligpit na rin kaya sumunod na ako dito. Tinawag ko lang lahat ng kailangan para naman masaya mamaya at wala ng hassle kapag nagkakasiyahan na tayong lahat, paliwanag ni Aby.

Abs, kamusta kayo ng boyfriend mo? Tanong ni Bang.

Okay naman. Happy and strong as always, mabilis na sagot ni Aby.

Ikaw ba kamusta kayo ng boyfriend mo, balik tanong nito kay Bang.

Hmm parang laging may isyu sa pagitan namin e. Lagi siyang nagde-demand ng time, sagot ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!