CHAPTER FOUR: UNCERTAINTIES

1.7K 28 0

Natigil ang pagmumuni-muni ni Vic ng makaramdam siya ng mga patak - butil ng tubig sa kanyang braso, mukha at ulo ... Yaiks umuulan na pala, sabi nito sabay ikot ng tingin sa paligid siya na lang pala ang natitirang tao sa lugar.

Saka patakbong bumalik sa pantry at inilapag ang kanina'y pinaglagyan ng sandwich at kape.

Naisipan ni Vic na mag-washroom na muna bago bumalik sa trabaho para hindi siya muling tatayo. Sakto naman na nadun si Bang. Papalabas na sana ang dalaga ng para naman silang nagpa-patintero ni Vic na nagkakasabay kung saan gagawi palabas at papasok.

STOP! Iritadong sabi ni Bang na ikinahinto naman ni Vic. Don't move okay, sabi ni Bang at saka lumihis at lumabas na ng washroom ng dire-diretso.

Nang ma-realized ni Vic kung anong ginawa ni Bang ay napailing na lang ito at saka pumasok.

Sungit talaga! Ganda naman ng pagkaka-kilala namin last year, except for the last part nga lang," kampanteng pagsasalita ni Vic habang nakaharap sa salamin. Buong akala niya siya na lang ang tao sa c-r nagulat pa ito ng may biglang magbukas ng pinto.

Huh! Ikaw pala iyan Kim, sabi ni Vic.

Uy grabe naman ito akala mo nakakita ng kung ano, patampong sabi ni Kim.

Pasensiya naman. Akala ko wala ng ibang tao dito e, kalmadong sabi ni Vic.

Pre dahan-dahan sa kape ha? Baka mamaya kung ano iyan. Teka sino naman iyong masungit na sinasabi mo diyan at may maganda ka pang tinutukoy? Pag-uusisa ni Kim.

Wala. Kalimutan mo na iyon, simpleng sabi ni Vic.

Napangiti si Kim, Hulaan ko pre, si Bang iyon ano? Well may katarayan nga pero mabait naman iyon. Antay lang ng kaunti at makukuha mo rin ang ugali niya. Dami lang sigurong trabaho ngayon dahil alam mo na senior creative writer natin kaya mas madaming load kesa sa ating mga juniors. Pagkasabi nito ay tinapik lang ni Kim si Vic sa balikat at saka lumabas na.

Bang's POV

Sorry Vic. I've to keep it this way. Hindi puwedeng maging malapit tayo. You must be wondering why, samantalang when we first bumped into each last year e, cool lang.

I have to keep my distance from you, dahil sigurado ako, ipagkakanulo ako ng sarili ko kapag hindi ko ginawa ito.

Ito ang mga tumatakbo sa isip ni Bang habang nakaupo na sa kanyang working table at nakaharap sa computer.

I was stupid that time allowing myself to be swayed by the effects of liquor then a year after, here I am proving myself that I am still worthy of everything. Napraning kasi si Aldrin, nakaramdam na parang may ibang taong naka-pagitna sa amin.

Sinasabi niya na may nagbago pagkatapos ng gabing iyon, pero sa totoo lang wala naman talaga, ako lang, personal issue ko, paano nalito ako sa feelings ko sa kanya. Oo boyfriend ko siya pero parang walang spark, pero antagal na namin e, bakit biglang may question sa feelings?

Bakit iba dun sa halik namin ni Vic at kay Aldrin. Alam ko dapat walang comparison iba kasi iyong kay Vic may boltahe na wala sa boyfriend ko. Pero dahil wala naman si Aldrin nakikitang dahilan na may ibang taong involve iniisip niya baka dahil sa trabaho. Lagi na lang nagiging excuse ang trabaho. Madalas nauuwi sa away kapag nandito siya sa bansa tapos busy ako.

Alam ko hindi fair sa kanya na bigla after almost five years dahil sa kalokohan ko ...isang saglit ... isang gabi, eto ngayon may doubts ako sa feelings ko sa kanya. Kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko before it's too late. Hay tapos ngayon nandito ka bigla Vic. Eeee ang hirap kalaban ang sarili!

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!