CHAPTER 37: RELISHING LOVE AND FRIENDSHIP

1.5K 23 3

Friday night

Hi sweetheart parking now, sabi ni Vic sa text niya kay Bang.

15 minutes please and will be there. Love you hon, sagot ni Bang.

Okay no need to rush. Love you too, sabi ni Vic sa sagot niya.

Nagbukas ng stereo si Vic sa kotse, nilakasan ito para medyo dinig sa labas saka bumaba at nagsindi ng sigarilyo.

Vic? Is that you? Sabi ng boses.

Kaya agad na hinanap ni Vic ang nagsasalita ... walang iba kundi ang kanyang ultimate crush at idol sa volleyball court na si Cha Cruz.

Wow! Ms. Cha! What a surprise! Sabi ni Vic ng makitang ang nakakatandang kapatid ni Cienne ang bumati sa kanya.

Guwapo naman ng baby crush ko, sabi ni Cha na masayang nakita ang dating team mate niya.

Ha ha ha! Ikaw ha Ms. Everything, pinapakilig mo pa rin ako, sabi ni Vic.

Ikaw e, biro ni Cha kay Vic na aware na sobrang crush siya ni Vic nung college sila at nag-abot as team mates bilang lady spikers ng DLSU.

Payakap naman diyan! sabi ni Vic saka lumapit kay Cha at yumakap.

Yeee! Kilig sabi ni Vic na pabiro. Anong ginagawa mo dito at mukhang di ka pumasok? tanong ni Cha.

Susundo sa girlfie, sagot ni Vic.

Aha! At sino naman itong masuwerteng girl na ito? Nakangiting sabi ni Cha.

Habang sinasabi ni Cha ito ay nakita na ni Vic ang grupo nina Aby, Bang, Mika, Kim at Cienne na nagkukulitan palabas sa parking area kaya napatingin din si Cha sa mga ito.

Don't tell me kayo na ni Mika? sabi ni Cha na nanghuhula kung si Mika ang inaantay.

Umiling lang si Vic at ngumiti.

At ng malapit na sila Bang sa kanila ay nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay at inilagay sa braso niya ang kamay ni Bang at inakay palapit kay Cha.

Ms. Everything, Cha Cruz, I am happy to introduce to you my beautiful girlfriend, Bang Pineda, masayang sabi ni Vic.

Ha ha ha! Lakas mo talaga Vic ha. Of course magkakilala kami ni Bang. So, pati pala si Bangnita nadala ng charm mo Vic, ha, sagot ni Cha.

Hi! nakangiting sabi ni Bang.

Hello! Sagot naman ni Cha.

Good luck sa inyong dalawa. Bang, pagpa-pasensiyahan mo na itong si Vic ha, I'm sure maloko iyan, sabi pa ni Cha.

Uy, ikaw! Mamaya magbago ang isip ng sweetheart ko, biglang makipag-break sa akin, sagot ni Vic.

Wooh! Vic lakas sobrang inlababo kay Bang ha, hirit ni Kim.

Haba ng hair, sabay na sabi naman ni Mika at Cienne.

Oh saan ba ang tuloy ng lovebirds, tanong ni Aby.

Hmm ewan dito kay Vic, sagot ni Bang.

Secret! Sagot naman ni Vic.

Hoy! Vic hinay hinay ha baka mauntog si Bang at matauhan, biro ni Cha.

Ha ha ha! Tara na nga at mukhang nakaka-abala na tayo sa oras ng lovebirds, sabi ni Aby.

Saka nagbeso ang mga ito at nagkanya-kanyang alis na.

Nasa kotse na sina Vic at Bang ....

Sweetheart, may gusto ka bang puntahan o gusto mo dinner na lang tayo sa labas? tanong ni Vic.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!