CHAPTER SEVEN: LIKING THAT SIDE OF YOU

1.5K 22 0

Matapos na mailapag ang inihatid na pagkain ay agad na pumasok si Bang sa kuwarto nila ni Aby para gisingin ito at sila ay makakain na ng pananghalian.

Si Vic naman ay kinatok ang kuwarto nina Kim at Cienne at sinabihan din na nandiyan na ang pagkain. Saka dumiretso sa kanilang kuwarto para naman gisingin si Mika.

Miks! Miks gising na muna, marahasang sabi ni Vic habang tinatapik ng mahina ang braso ni Mika.

Hmmm ... ungol ni Mika.

Sige ka Mika kapag hindi ka pa bumangon diyan mamayang gabi ka pa makaka-kain, pagkasabi ni Vic nun ay napadilat naman agad si Mika.

Ha ha ha! Hindi ka pa rin talaga nagbabago basta pagkain ang usapan ha, natatawang sabi ni Vic sa kaibigan.

Kasi naman e, kagigising pa lang ng tao inaasar mo na diyan, patampong sabi ni Mika na dahilan naman para lapitan na ito ni Vic at umupo sa tabi nito.

Ikaw talaga Mika pabebe pa rin e, ano. Tara na kasi bangon na diyan para makakain na tayo, muling ayaw ni Vic.

Hmm sige pero piggyback ride mo muna ako, paglalambing ni Mika kay Vic.

Naku ka ha, kaaayos pa lang natin hinihiritan mo na agad ako ng mga ganyan mo Mika ha, sabi ni Vic.

Ito naman naglalambing lang iyong tao e, sa na-miss ko iyong pinakama-mahal kong bestfriend ko e, sabi ni Mika sabay pout.

Bakit sinabi ko bang ayaw ko? O bangon na kasi diyan at saka naman ito umayos na aktong ipapasan na nga si Mika.

Yey! Niyakap muna ng patalikod si Vic at saka hinalikan sa pisngi bago sumampa para sa piggyback ride na lambing nito.

Paglabas ng magkaibigan ay nag-uumpisa ng kumain ang mga kasama nila. At si Cienne na saktong kukuha ng baso ang nakapansin kina Mika at Vic na masayang papunta sa hapag kainan habang si Mika ay nakasampa sa likod ni Vic.

Oy kayong dalawa ha, kakabati pa lang sweet-sweetan na agad ha, sabi ni Cienne.

Eto kasing si Mika e, nagpapalambing kaya naman pinag-bigyan ko na kasi gutom na talaga ako e, paliwanag ni Vic.

Habang si Mika naman tahimik na kumuha ng dalawang pinggan at agad na ipinaglagay ng pagkain si Vic at saka inabot dito ang plato.

Oh ayan na Vic ha bawi na ako sa buhat mo sa akin he he he, masayang sabi ni Mika pagkabigay ng platong puno ng pagkain para kay Vic.

Si Bang na nandoon na rin at nag-uumpisa ng kumain ay hindi lang nagpapahalata pero inoobserbahan ang closeness nina Vic at Mika.

Iba din talaga itong dalawang eto e, parang may something talaga. Feeling ko tuloy higit pa sa friendship ang meron sila, sabi ni Bang sa isip. Pero bakit ganun parang may kirot, parang may regret na sana ako na lang iyong binuhat ng ganun ni Vic.

Hay! Erase ... erase ... erase!

Kim hinay-hinay naman sa kain ikaw din mamaya mo mabilaukan ka diyan, paalala ni Aby.

Bang ito iyong inihaw na liempo baka gusto mo sabi naman ni Vic sabay abot ng lagayan saka naman biglang umepal si Cienne, ako Vicky gusto ko ng liempo!

Oh Cienne, heto na oh sa iyo na itong liempo na kinuha ko at huwag mo ng istorbohin si Vic.

Napatawa na lang si Bang sa kulit ng grupong kasama. Ngayong lang din niya kasi nakita ang kulit ng mga ito bagaman madalas niyang masutsutan ang mga ito kapag nasa trabaho, pero ngayon lang silang lahat nagkasama-sama.

Pasensiya ka na Bang ha, talagang ganyan itong mga ito e, palibahasa masyadong komportable na sa isa't-isa kasi matagal ng magkakasama. Rest assured naman na kapag kailangang mag-deliver at mag-trabaho hindi tayo mabibigo sa mga iyan, paliwanag ni Aby.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!