CHAPTER 34: START OF A NEW JOURNEY

1.3K 24 5

Nag-doorbell si Aling Miling pagkarating niya sa pintuan ng unit na 610.

Matapos ang tatlong subok ng pag-ring sa door bell ay nagbukas din ito.

Magandang gabi po mam. Ipinabibigay lang po ito sa inyo, sabay abot ng isang napakalaking fresh flowers na galing pa sa Australia at paper bag na naglalaman ng cans of "Toffee-ettes, boxes of Summer Berries, tatlong malalaking kahapon ng See's assorted chocolates, nuts and chews."

Magandang gabi din po. Sigurado ba kayong para ito dito sa akin? tanong ni Bang.

Ay opo sabi po sa akin ay unit 610 at may magbubukas daw sa akin na magandang babae. Tama naman po ang numero at maganda nga po kayo na kaharap ko ngayon, sabi ng matanda.

Napangiti si Bang, sa isip niya kung sino man ang nagpadala nito sa kanya ay bolero ito sigurado.

Ay kayo talaga. Salamat po. Sino po ang nagbigay, baka maari kong malaman? Tanong ni Bang.

Ayaw na pong ipasabi ang pangalan. Sabi niya ang sabihin ko sakaling magtanong kayo ay galing daw sa unit 808 at nag-aantay ng big hug? paliwanag ng katiwala ni Vic.

Talaga? Nandito na siya? gulat na sabi ni Bang.

Sige po, sige salamat, nagmamadaling sabi ni Bang.

Umalis na rin ang babae kaya isinara na ni Bang ang pinto at inilapag muna sa mesa ang paper bag at inilagay sandali sa vase niya ang mga bulaklak para hindi agad malanta ang mga ito at maayos na inilapag sa ibaba ng kanyang console table at ang hinating bahagi ay iniwan niya sa ibabaw ng dining table.

Pumasok sandali si Bang sa loob ng kuwarto para magsuklay at tignan kung ayos ang kanyang itsura, nagspray kaunti ng pabango saka lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kusina.

Pagbalik niya ay may dala na itong tatlong pint ng Carmen's Best Ice Cream "Salted Caramel, Pistachio Almond Fudge at Fresh Mint with Cacao Nibs" flavors. Pumunta kasi siya sa Makati nun weekend at nagkausap sila ng apo ng isa sa tatlong anak ng nag-iisang anak ng dating Senador na si Ramon Magsaysay Jr., na si Carmen.

Yeah! Named after Carmen Magsaysay ang label ng ice cream na gawa ng negosyanteng si Paco Magsaysay, anak ng dating Senador Ramon "Jun" Magsaysay at apo naman ng dating Presidente Ramon Magsaysay, remember the Mambo Magsaysay?

----------

Sa 8th floor

Tulad ng karaniwang gabi nasa terrace si Vic may hawak na bote ng mule at naninigarilyo. Ito ang gawi niya habang nag-iisip o nagpapa-antok.

Mabigat pa rin ang pakiramdam niya inaalala ang pinsang si Anna at Tita-Mama niya na naiwan sa Australia.

Katatapos lang din kasi nilang mag-usap matapos niyang tawagan ang mga ito at iparating na nakauwi na siya ng maayos at nasa bahay na ito.

Tomorrow will be another day, malungkot na sabi ni Vic.

Ilang sandali pa ay nag-ring ang phone niya.

Hello! sabi ni Vic.

So you are back! Am I supposed to give a big hug to a friend who just came back from a two week trip coming from that beautiful land called Down Under? sabi ng babae.

Ha ha ha! I thought you are already asleep, masayang sabi ni Vic.

How can I sleep without even seeing you? sabi muli nito.

Natahimik si Vic.

Are you not going to open your door to let me in? tanong muli.

Ha? saka nagmamadali si Vic na pumunta sa harap ng pintuan ng bahay niya at binuksan ito.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!