CHAPTER 42: WHEN HEARTS AND BODIES FUSE

Magsimula sa umpisa

Talaga lang ha! Palabasin daw ba ako dahil magbibihis siya? natatawang sabi ni Bang.

Hindi naman sa ayaw kita dito pero naco-conscious kasi 'ko, nakangiting sagot ni Vic.

Ha ha ha! Kung asarin mo ko pagdating sa mga kalokohan na bagay ganun na lang pero hindi mo naman pala kayang magbihis sa harap ko ha. Ano ba! Meron ako ng kung anong meron sa 'yo, sabi ni Bang saka binigyan ng pang-asar na ngiti at tingin si Vic na nag-blush ng sobra.

Ay oo na. Basta dun ka na muna sa labas. Hindi pa ako prepared na mag-all the way sa 'yo ngayong umaga, ganting sagot nito.

Nang hindi agad umalis si Bang ....

Ikaw ha! Yabang mo ngayon kasi alam mo hindi ako komportable. Kapag ako nakabawi sa 'yo, banta sabi ni Vic.

Ha ha ha! Sige na sumunod ka na lang dun pagtapos mong magbihis. Tignan mo mabuti ang damit mo ha, baka mamaya baliktad, pang-aasar pa rin ni Bang.

Sumenyas lang ng "oo" si Vic sa kasintahan niya.

Mabilis na nagbihis si Vic sa pag-aalalang biruin na naman siya ni Bang at pumasok uli ng kuwarto at ng matapos ay lumabas na agad para magkape at uminom ng gamot para tuluyan ng maibsan ang sakit ng kanyang ulo.

Magandang umaga! masayang bati ni Vic ng makalapit na sa kusina.

Uy bihis na siya! Patingin nga kung hindi baliktad? biro ni Bang.

Hindi no! Ikaw ha, masyadong maganda ang gising mo, bawi ni Vic.

I love you honey! sagot na lang ni Bang.

I love you din po, sabi naman ni Vic.

Inabot na ni Bang ang kape kay Vic at ito naman ay uminom lang muna ng gatas na mainit para mamaya ay masarap ang pagbalik niya sa tulog dahil maaga pa naman masyado para gumising na sila ng tuluyan.

In between sa paghigop ng kape, nagsalita si Vic.

Sweetheart? Mahal mo ba talaga ako? I mean yun willing ka na ako na ang makasama mo for the rest of your life? paglilinaw ni Vic.

Hon, mahal na mahal kita. Hindi siguro madaling paniwalaan kasi kailan lang naman tayo ... basically nag-uumpisa pa nga lang e. Pero, di ba ang pagmamahal naman hindi nasusukat sa haba ng panahon na magkakilala kayo o magkasama, sabi ni Bang.

Nagmamahal tayo kasi nagmamahal tayo. Wala sa itsura, wala sa ugali, wala sa pagkatao, basta mahal lang natin. When I realized that I love you huli na e, nahulog na ako sa 'yo at hindi na ako basta makaahon pa kahit na sabi ng isip ko dahan-dahan lang dapat. At handa akong talikuran ang lahat patunayan lang sa 'yo na mahal kita, dagdag na sabi ni Bang.

Salamat! Sa lahat, sa pagtanggap, sa walang kondisyon na pagmamahal, sa pagiging totoo. Sana lang din hindi mo pagsisihan o panghinayangan balang araw ang pagmamahal mo sa 'kin, sagot ni Vic.

Maaring hindi perpekto ang relasyon natin at maraming masasabi ang iba pero ganun talaga eh, kapag mo ang isang tao kahit ano at sino pa siya handa kang sumubok, handa kang sumugal while there is no certainty ... while there is no guarantee that we will be together forever, paliwanag ni Bang.

Are you willing to take a risk with me? Will you want to start a new life na ako lang ang kasama mo ... somewhere where we can be just us ... somewhere far? tanong ni Vic.

Hon, I am all yours today, tomorrow and the days to come. I can't see myself loving someone else. Kahit pa saan iyan basta kasama kita. Basta tayong dalawa ang magkasama handa akong marating iyan. Sabi ko nga handa akong talikuran ang lahat kung ang kapalit ay ikaw. Kahit saan, kahit anong oras, kahit anong pagkakataon huwag ka lang mawala sa akin, pahayag ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!