CHAPTER 35: RETURN AND ADMISSION

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ni Vic ang apron ni Bang kaya isinuot niya muna ito para hindi marumihan ang suot na damit.

Mabilis na nagluto si Vic, una ang fried bacon sa teflon pan ni Bang habang sa isang kawali ay sinasangag ang tirang kanin kagabi. Binudburan niya ito ng thyme herbs para mabango at black pepper.

Pagtapos ng bacon ay ang omelette naman ang isinunod ni Vic saka naglagay ng dalawang plato sa mesa at hinango na ang sinangag sa kawali para hindi ito ma-overcook at tumigas bago isinunod sa mesa ang ulam. Naglagay ng dalawang baso para sa tubig.

Naninigarilyo at nagkakape na si Vic sa terrace ni Bang ng lumabas ang girlfriend niya at yumakap ng patagilid.

Aga ng yosi ha at ang lalim naman yata ng iniisip natin ha? malambing na sabi ni Bang.

Hindi naman nagpapalipas oras lang habang iniintay kita, sagot ni Vic.

Okay. Basta hon, kapag may problema o may gumugulo sa isip mo dapat open ang communication sa atin ha? walang mahihiya, walang sikreto sana please? sabi ni Bang.

Pangako po iyan. Hindi ako maglilihim sa iyo kahit pa sa bagay na maaring makasakit sa iyo, ganyan kita kamahal, sabi ni Vic saka hinalikan sa ulo ang kasintahan.

Kain na tayo? tanong ni Bang.

Opo tara, sagot ni Vic na hinawakan sa kamay si Bang ... holding hands saka sabay na naglakad papunta sa dining table.

Ipinag-urong ng silya ni Vic si Bang bago siya umupo.

Si Bang ipinagsandok naman ng pagkain ang katipan at dahil magkatabi lang sila ng upuan ay sinubuan muna ni Vic ang girlfriend bago siya kumain ng tuluyan.

Masaya lang sila kahit na tahimik na kumakain.

-------

Nagpa-park pa lang ng kotse si Vic ay may nakakita na sa kanila ni Bang na magkasama sa loob ng kotse dahil hindi naman tinted ang salamin ng kanyang auto.

Kaya naman sa loob ng opisina ng creative department ay nagkaka-gulo na ang magkaka-opisina at dahil one way mirror ang dating ng kanilang salamin na dingding sa kuwarto ay kita ang dalawa na magkahawak kamay na papasok ng opisina.

May tumayo malapit sa pinto at may hawak na akala mo ay confetti, ang bullies naghanda na rin ng kanta na pang-kantyaw sa dalawa.

Kaya pagbukas ng pintuan ng dalawa at pagpasok ay may nagsaboy agad ng confetti sa dalawa at sabay sabay na sigaw ng mga kasama sa opisina .... "MABUHAY ANG LOVERS" na mabilis na sinundan ng tugtog sa cellphone ng kung sino man na On This Day ni David Pomeranz na sinabayan din ng pagkanta ng bullies.

"Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our life together
The light is in your eyes
Love is in our hearts
I can't believe you're really mine forever

Been rehearsing for this moment all my life
So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away

On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand take my hand
And I will honor every word that I say
On this day ......."

Pero dahil kinikilig na ang lahat at nagkaka-gulo na ay hindi natapos ang kanta pero sige naman ang hiyawan ng mga ito.

Natawan lang sila Bang at Vic.

Ha ha ha! Katuwa talaga ang fandom dito sa creatives, sabi ni Vic.

Okay sige guys para dagdag kilig sa morning nating lahat, sabi ni Bang bago tumingin kay Vic at nag-nod ... itinaas niya ang kamay nila ni Vic na magka-holding hands pa rin at saka sinabing .... "We are official."

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon