CHAPTER 33: WHILE GRIEVING

Start from the beginning
                                    

Okay lang po ba na two days from now? O gusto niyong sagarin ko ang dalawang linggo ko dito? balik tanong ni Vic.

Hindi na anak. Masyado na naming naabala ang trabaho mo sapat na ang dalawang araw pa na manatili ka sa amin, sagot ng tiyahin.

Sige po, basta yung pangako niyo sa akin Tita-Mama ha na magiging malakas at maayos kayo ni Anna, muling paalala ni Vic.

Pangako ko iyan sa iyo Vic, sagot ng tiyahin niya.

Pasali naman sa inyong dalawa. Daya niyo kayo lang ang nagba-bonding singit naman ng mas batang pinsan ni Vic na si Anna.

Ha ha ha! Tara nga dito, selosa ka pa rin talaga, sabi ni Vic sa pinsan.

Siyempre naman. Tayong apat na nga lang sa pamilya tapos nawala na si papa hindi niyo pa ba ako isasali sa moment niyo ni mama? Sabi naman ni Anna.

Sus! Ikaw pa ba naman ang mawawala? Basta ha, ingatan niyo ni Tita Mama ang isa't-isa at tulad ni uncle gusto ko tapusin mo ang law school mo tutal naman isang taon na lang at magba-bar ka na. Pero after ng semester na 'to magbakasyon muna kayo sa Pilipinas para malibang si Tita-Mama ha? bilin ni Vic sa pinsan.

Yes boss! Promise aalagaan ko si mama, pangako ng pinsan niya.

Ilang oras makaraan ang lambingan ng itinuturing ni Vic na pamilya ay nasa kuwarto niya ito at nag-aayos ng mga gamit para sa paguwi niya.

"Hello Ate Miling? Kamusta na diyan?" tanong ni Vic ng makausap ang katiwala.

Ay okay lang naman Vic, kamusta ka naman diyan? sagot nito.

"Ayos naman po. Magbibilin lang ako na pabalik na po ako diyan sa Miyerkules, gabi kasi ng Martes ang alis ko dito. Sige po iyon lang naman. Ingat kayo diyan at i-lock lagi ang mga pintuan ha," sabi ni Vic bago ibaba ang tawag.

"Hindi na muna ako magsasabi sa kanya na pauwi na ako. Sorpresa na lang muna siguro," sabi ni Vic sa sarili matapos na isipin na babalik na uli siya ng bansa at makikita na si Bang, sobrang miss na niya ito.

------

Sa airport Tuesday night

Oh paano, papasok na ako ha? Uy Anna tama na iyang iyak. Ano ba naman pababaunan mo pa ba ako ng lungkot? Tita-Mama please? Magkikita-kita naman tayo sa March o April di ba? saway ni Vic sa tiyahin at pinsan.

Nalulungkot lang naman ako na magkaka-hiwalay na naman tayo tapos kaming dalawa na lang ni mama, siyempre nakaka-panibago na, sagot ni Anna.

Hindi dapat ganyan ang abogado, di ba? sabi nila ang lawyers dapat fierce at kayang i-compose ang sarili niya even in her most difficult times, sabi ni Vic.

Alam ko naman iyon kaya lang .... Basta! Sige na nga pumasok ka na kasi ayaw maki-cooperate ng luha ko, sabi ni Anna.

Niyakap ni Vic ng mahigpit ang tiyahin at hinalikan ito sa ulo. Ganun din ang ginawa niya sa pinsan na si Anna.

Basta ha, solid tayong tatlo. Mahal na mahal ko kayo kahit na nasa malayo pa ako. Sabi nga ni uncle noon sa akin na hindi nasusukat sa presensiya, distansiya at panahon ang pagmamahal. Kaya kahit hindi tayo ngayon magkakasama. Hindi kayo nawawala sa isip at puso ko, sabi ni Vic.

Sige na anak, baka mahuli ka kanina pa nagtatawag ng boarding ang flight ground crew baka mahuli ka na, sabi naman ng tiyahin niya.

Sige po ingat kayo pag-uwi. Saka muling kumaway si Vic sa iniwan na dalawang kaanak at hindi na lumingon pang muli dahil hindi na kaya ng kalooban niya na pigilin pa ang mga luha sa mata na kaninang-kanina pa gustong bumagsak.

15 hours after nasa Manila na si Vic ... 13 hours na biyahe sa eroplano dahil regular flight na ang sinakyan niya at dalawang oras naman na biyahe munl sa airport pauwi ng bahay niya sa Pioneer Woodlands, kaya naman past 10 na siya ng gabi ng Miylawerkules nakarating.

Doorbell ... ding... dong ... ding ... dong

Pagbukas ni Aling Miling! Vic anak nandito ka na! masayang sabi ng katiwala.

Ha ha ha! Parang namiss niyo ako ha? masayang sabi ni Vic.

Abay oo naman anak matagal din naman ang dalawang linggo, sabi ng matanda sabay abot ng mga dalahin ni Vic.

Ha ha ha! Iyan ang gusto ko sa inyo e, tara na muna sa kusina at gutom na ako hindi ako nakaka-kain ng ayos sa eroplano kanina sabi ni Vic.

Agad na naghanda ng hapunan si Aling Miling.

Vic pagkatapos mong kumain ay aalis na rin ako ha, at nagpasundo na ako sa Manong Boyet mo. Babalik na lang ako sa Sabado para labhan ang mga gamit mong marurumi. May susi naman ako ng bahay kaya hindi na kita iistorbohin nun, sabi ng katiwala.

Ganun po ba? Sige po. Bakit hindi niyo muna pina-akyat si Kuya Boyet? Tanong ni Vic.

Naku alam mo naman iyon laging nahihiya sa iyo, paliwanag ng matanda.

Oh sige po kahit huwag niyo na akong intayin matapos para hindi na kayo gabihin sa biyahe, sabi ni Vic saka inabot ang plastic na dala at kinuha ang dalawang malalaking supot ng tsokolate at t-shirt at blouse.

Oh ito po para sa mga bata iyong tsokolate at ito naman sa inyong dalawa ni Kuya Boyet ha. Mag-ingat kamo sa pagmamaneho, bilin ni Vic.

Salamat. Pero sige na tapusin mo muna ang pagkain mo at ng makapag-ligpit ako para hindi ka na magbabasa pa ng kamay at pagod ka sa mahabang biyahe, bilin ng matanda.

Kaya naman ipinag-patuloy muli ang pagkain at saka nagpaalam sandali na magbibihis muna ng damit.

Pagkalabas ni Vic ay naka-jersey short na lang siya at v-neck shirt at tsinelas at may hawak na sobre, bayad nito para sa dalawang linggong pagtao sa kanyang bahay ng katiwala at bonus na rin siyempre.

Ate Miling, ito po idagdag niyo sa dala niyo paguwi sabi ni Vic at inabot ang sobre.

Naku maraming salamat Vic, sagot ng matanda.

Ay oo nga po pala bago naman kayo umalis paki-daan po nitong mga bulaklak at itong paper bag na isa sa unit 610 sa 6th floor, pakiusap ni Vic.

Naku kagaganda naman nitong mga bulaklak na ito. Kanina ko pa nga gustong batiin kaya lang nahihiya naman ako sa 'yo, sabi ng katiwala.

Ha ha ha! Okay lang po at least hindi niyo lang iyan matitignan mahahawakan niyo rin kasi po iaabot niyo iyan sa magandang babae na magbubukas sa inyo dun sa paghahatiran niyo niyan, sabi ni Vic.

Oh sige, salamat ha. dalin ko na ang mga ito at ng makapag-pahinga ka na rin, sabi ng matanda.

Inihatid ni Vic ang matanda sa pintuan at saka nagbilin ng bahagya dito.

/

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Where stories live. Discover now