CHAPTER SIX: the Reconciliation

Magsimula sa umpisa
                                    

Ha ha ha! Well, sige na nga it's no secret naman na e, pero tara muna dun sa room natin sabi ni Aby.

Nang makarating ang dalawa sa kuwarto nila ay nagtig-isa ang mga ito ng kama at saka nahiga si Aby, si Bang naman nakadapa lang at nag-aantay na ituloy ang kuwento.

Actually sina Vic at Mika nun College akala ng lahat ay sila, kasi nga naman sobrang clingy and all, tapos isang araw na lang nagpunta sa dorm namin ang MVP ng Katipunan Eagle. At first okay lang pero habang tumatagal siyempre iyong sweetness ng dalawa unti-unting umaasim. Hanggang sa pagka-graduate bigla na lang umalis si Vic papunta ng London tapos pinutol ang lahat ng ugnayan sa amin, kuwento ni Aby.

Buti nagka-ayos kayo uli? Simpleng tanong ni Bang.

Sa totoo lang parang ngayon pa lang uli magkaka-ayos at sana nga kasi ang tagal na rin ni Vic na nagpaka-distant. Wala kaming idea na nandito na uli si Vic until last December na nakita siya ng lahat ng tao sa Christmas Party na kumakmanta and the rest is history, pagtatapos ni Aby.

Sana magka-ayos na kayong lahat. Mukha naman ngang mabait si Vic, sabi ni Bang.

Ay nako sinabi mo sobrang maalaga pa. Kung hindi nga lang alam kong may boyfriend ka naku baka ilalakad ko na siya sa iyo e, pabirong sabi ni Aby. Feeling ko kasi may chemistry kayong dalawa. Tsaka ikaw ha ... tingin ng nakakaloko ... nakita ko kayo!

Napatayo naman bigla si Bang sa pagkaka-dapa sabay takip sa bibig ni Aby. Shhh ano ba iyang sinasabi mo. Huwag ka nga diyan Abs mamaya may makarinig niyan akalain ano.

Okay, okay awat na sabi ni Aby. Pero girl may utang kang kuwento ha? dagdag pa ng nanay-nanayan sa grupo.

Opo na pero hindi ngayon at lalong hindi dito baka mamaya may makarinig pa, sagot ni Bang.

Matapos ang sandaling kulitan ng dalawang team leader ay nakatulog ang mga ito dala na rin ng maagang paggising at pagod sa biyahe.

Si Vic na sa harapan ng bahay ngayon tinitignan ang ganda ng kapaligiran na kinaroroonan nila.

Hindi kasi siya makatulog at wala din kausap. Nagpaalam lang si Vic kay Mika na magpapalit ng damit para mapreskuhan ng kaunti pero paglabas niya ng kuwarto matapos na magbihis at magrefresh ay tulog na si Mika. Kaya naman naisipan na lang niyang magyosi na lang muna.

Nakahiga si Vic sa duyan sa gilid ng bahay nakatitig sa mga puno habang nagbubuga ng usok mula sa sigarilyo.

"Salamat naman ayos na kami ni Daks. Sana lang talaga hindi na siya maiilang sa akin at maibalik na iyong friendship namin. Hmm si Bang kaya? Kami kaya magkaka-ayos na? Hindi ko naman kasi alam kung anong nagawa ko bigla na lang parang galit na galit siya e," isip ni Vic.

Nasa ganitong pag-iisip si Vic ng biglang ... Atching! Atching! Atching!

Napabalikwas si Vic at dahil sa puwersa ng biglang tayo nito ay dumiretso sa pag-ikot ang duyan at blag!

Naku sorry sorry! Hindi ko naman gustong gulatin ka sabi pa ng boses at saka inalalayan tumayo si Vic.

Paano ba naman kanina pa si Bang na nag-iisip na humiga sa duyan para muling umidlip at ng malapit na ito at saka hahawakan na sana ang duyan ay napabahing naman ito ng malakas na ikinagulat naman ng taong nakahiga pala dito.

Ahh sakit! sabi Vic saka tinignan kung sino ang may-ari ng dalawang kamay na tumutulong sa kanya ngayong tumayo.

Ngiti at sabay labas ng dimples, "sorry? saka pakita ng peace sign.

Ikaw pala, matamlay na sabi ni Vic. Sige okay na ako. Salamat, sabi ni Vic kay Bang.

Pasensiya na talaga ha, ulit ni Bang.

Okay lang hindi mo naman kasalanan e, kaswal na sabi ni Vic.

Sige dun na lang muna ako sabay talikod ni Vic at aakto na sanang maglakad ng ...

Vic? Pede ba tayong mag-usap? Sabi ni Bang.

Muling humarap si Vic sa nagsalita at nagtatakang nagtanong ito ng, tungkol saan?

Eee gusto ko sana na magka-ayos na tayo since mag-team tayo ngayon so hindi maganda kung may animosity between us? Pakiusap ni Bang.

Iyon lang ba? Don't worry I know naman kailangan natin magtulungan kaya rest assured na ibibigay ko ang 100 percent cooperation ko sa team natin para sa project na ito, paglilinaw ni Vic.

Galit ka ba sa akin? tanong ni Bang.

Ha ha ha! Ako yata dapat magtanong niyan sa iyo? sagot ni Vic.

Parang simula ng malipat ako sa department niyo hindi mo man lang ako binigyan ng approval look, dagdag na sabi ni Vic.

Sorry ha! Medyo natapat lang na magulo ang lahat sa akin nun malipat ka sa creatives. At iyong .... Hmm alam mo na? Pasensiya ka na dun ha, naparami inum ko nun gabing iyon kaya yata naging ganun? Paliwanag naman ni Bang.

Wow! Finally we're talking. Ok na iyon tapos naman na. What is important is today, at least nag-uusap na tayo ngayon at hindi na nag-iiwasan. Thanks, kalmadong sabi ni Vic.

Thanks din.

Ah e, tao po, tao po? Katok ng estranghero.

Napalingon sina Vic at Bang at halos magkasabay na nagtanong ng ano po iyon?

Ay magandang tanghali po sa inyo, ako po si Julian, kayo po ba iyong mga taga-Marie Thrempton? Nandito na po kasi ang pananghalian ninyo, kung puwede ho sanang ipasok ko na?

Kapwa naglakad na sina Vic at Bang papunta sa dumating, sige kuya tara dito sa loob sabi ni Bang saka naman si Vic nagpa-ubaya at saka pa lang sumunod sa pagpasok ng bahay na pansamantala nilang tirahan sa loob ng limang araw.

Ano ba itong mga dala mo kuya? Mayroon pong papaitan, pakbet, pritong bangus at inihaw na baboy mam, sagot ng lalaki. Sakali pong may gusto kayong putahe na ipapaluto magsabi lang po kayo para iyon ang ihahatid namin dito sa inyo mamayang gabi para sa hapunan.

Ah okay sige kuya, paiwan naman ng telephone number niyo? Nakita ko may telepono dito sa kubo namin siguro pede namin kayang tawagan gamit iyan di ba? Pagbabakasakali ni Bang.

Ay opo mam, iyan nga po i-dial niyo lang po ang numero na nakasulat diyan sa paper bag na pinaglagyan ng mga pagkain at sabihin niyong kayo ang guest mula sa Marie Thrempton at ibilin niyo lang kung ano ang inyong nais, sabi ng lalaki.

O sige po hindi na ako magtatagal, may kailangan pa po ba kayo? Saka nagpalipat-lipat ng tingin kay Vic at Bang?

Kuya napansin ko may stove dito, pede ba namin itong gamitin? Saka iyong mga panlutong nasa kusina? Tanong ni Vic.

Ay opo maari po. Lahat po ng gamit na nandito sa kubo ay maari niyong gamitin ayon sa inyong pangangailangan at kung sakaling may iba pa kayong nais magpasabi lang po kayo. Mayroon pa po ba?

Tumingin si Bang kay Vic? Iyon na lang muna siguro, salamat, simpleng sabi ni Vic.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon