Chapter 46-The EX and Secret Lovers

Comincia dall'inizio
                                    

“Sige” wala na! lahat ng inipon kong lakas ng loob nawala. Paano naman kasi nakakadala tong smile ni Mahal, parang once na sirain ko hindi na mababalik yung ganun :(

Kumain lang kami saka nagpunta sa sinabi niya kanina. Habang nasa byahe pakanta kanta pa siya ng I think I wanna marry you, Mahal!! Tinotorture mo naman ako eh!! Ang ganda ng boses niya kasi tapos ako … ay ewan ko!!

“Oh Mr. Valdez!” bati ng isang babae saka siya tumingin sa akin from head to toe, hala ka! Hinigpitan ko yung hawak sa kamay ni Mahal “Is she the lucky girl?”

“Yeah, and please show her some of your designs”-Andrei.

“Sure sure” umalis siya saglit at ako naman tumingin kay Mahal.

“Anong design? Para saan?”-Ako.

“I’m just preparing for our wedding. 28 days na lang kasal na natin eh” masayang sabi niya.

“Eh bakit ikaw ang naghahanda? Dapat dalawa tayo” bago pa siya makasagot dumating na yung babae dala yung folder na may mga design ng wedding gowns. WOW. Yan lang ang masasabi ko.

“You know what? Mr. Valdez asked me to design these wedding gowns just for you. Gusto niya special talaga yung isusuot mo sa wedding day niyo.” Napatingin ako kay Mahal na may kausap sa phone. Hay Mahal, lalo ko lang naiisip yung kasalanan ko sayo.

Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya napatingin din siya sa akin.

“So, nakapili ka na ba?”-Andrei.

“Oo, ang ganda nga eh.”-Ako.

“Buti nagustuhan mo. Pia thanks for doing my favor” umalis na kami sa boutique ni Pia at akala ko uuwi na kami pero hindi pa pala.

“Bakit tayo andito?”-ako.

“May imemeet lang tayo”-Andrei.

“Sino? Naku ha ang dami mong surprise-“ bago ko pa matapos yung sasabihin ko may nakita na akong pamilyar na mukha.

Dalawang tao na magkasama.

Si Ellaine at Martin.

 

“Oh. They’re here!” nakalapit na sa amin yung dalawa, nag-iwas lang ako ng tingin.

“Hi Andrei, Hi Clarence” bati ni Ellaine.

“Have a seat”-Andrei. napatingin ako kay Andrei, ano bang pumasok sa isip niya at pinapunta niya tong mga to?

“How are you? Okay ka na ba?” tanong ni Ellaine kay Andrei.

“He’s fine, as you can see nakakaalis na siya ng bahay so you MUST not worry”-ako.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora