Chapter 15-He's Back. Signs. Past

23.3K 259 76
                                    

Clarence’s POV

 

“Sige po Aling Stella, una na po kami, salamat talaga sa pagpapatuloy niyo”-ako.

“Walang anuman yun iha, basta pag gusto mong mamasyal dito wag kang mahihiya ha? Mag-ingat kayo” sa huling pagkakataon, niyakap niya ako.

Ang sarap sa pakiramdam ng hug niya.

“Makakaasa ka po. Sige po.” Binalingan ko ng tingin tong isang to “tara na huy” pero para siyang sinasapian dahil ang sama niyang tumingin kay Kuya Anjo.

Ewan ko ba diyan pero ang init ng dugo niya kay Kuya Anjo, tipong nag-uusap kami bigla siyang sisingit. O di kaya naman nilalayo niya ako.

Kala ko nga magsusuntukan sila kagabi kasi sabi ni Kuya Anjo dun na daw ako matulog sa kwarto niya. Eh itong isa naman iba din mag-isip! Hindi niya kasi pinatapos magsalita eh ang ibig sabihin pala ni Kuya eh kami ni Aling Stella ang matulog dun kasi mas malaki daw yung kwarto niya.

“Tara na nga” bigla na naman niya akong hinila!!

“Bye po!! Salamat po ulit!” sigaw ko habang kumakaway sa kanila.

KUNG HINDI LANG TOPAK TONG SI MONGGY MAMAYA PA AKO UUWI EH!!

Malayo pa pala yung lalakarin namin. Tsk! Tapos topak pa kasama mo, ay grabe lang ang buhay =___=

“Gusto mo ba siya?!!”-Monggy,

“Ha? Sino?” kahit alam ko yung tinutukoy niya.

“Si Unggoy”

“Maka Unggoy naman to, hindi noh!!” kung pwede lang tong batukan ginawa ko na eh

“Mabuti naman”

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon