Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!

15K 183 84
  • Dedicated kay Sophia Renee Tizon
                                    

Andrei’s POV

 

Room 112. Asan ka na ba? Nakakainis! Ano ba yung mga narinig ko? dati si Martin at Clarence? Naging sila ba ng hindi ko alam? Nagkaroon ng feelings si Clarence para kay Martin? Damn! Naiisip ko pa lang nasasaktan na ako. Hindi Andrei, wag kang maniwala sa mga sabi-sabi. Magtiwala ka kay Clarence, siya ang mahal mo at ikaw lang ang mahal niya.

Ng makarating ako sa room 112. Ang daming tao. Parang may pinagkakaguluhan sila.

Ano kaya yun? Baka naman inaaway na nila si Clarence!!!

Tumakbo na ako. Subukan lang nilang dampian ng kamay si Clarence, sila masasaktan sa akin!

“Oo na! oo na! sasama na ako sayo mamaya. Kainis ka talaga!!!”-Clarence.

“Good. See you later. Daanan kita dito mamaya” sabi ng isang lalaki, baka siya yung Magz?!

“Ok.”- tapos napatingin si Clarence sa kamay ni Magz.

“Mahahawakan mo din to mamaya. Bye” tumalikod na si Magz saka lumabas ng kwarto nila Clarence. dalawa yung pintuan dito kaya sa kabila siya lumabas. Subukan niya lang dumaan sa harap ko kundi makakatanggap siya ng isang suntok.

Huminga ng malalim si Clarence saka nangiti. NANGITI?!! . Nung humarap siya sa pintuan kung saan ako nakatayo nanlaki bigla yung mga mata niya. Ako? Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti. Mahirap na, baka eto pa ang dahilan ng tampuhan namin.

“A-andrei”-Clarence. lumapit ako sa kaniya saka binigay yung panyo niya.

“Nakalimutan mo sa kotse, tinext kita pero mukhang di mo nabasa.” Magsasalita na sana siya ng hinalikan ko siya sa noo.

“Alis na ako, may pasok pa sa office si kuya” pagkatapos eh lumabas na din ako ng kwarto nila. Kasalanan ko bang magselos? Yung Fiancè ko maglalunch kasama ng lalaking dahilan kung bakit siya nasasabihan ng malandi? Na pagkatapos ni Martin eh kay Magz naman daw??

Ang sakit sa ulo, pati sa puso -__-

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon