Chapter 41-Dream and ... hurt again

10K 106 17
                                    

Clarence’s POV

 

“Congratulations, graduates!” sabay sabay naming hinagis yung cap namin! Shocks! Graduate na kami Y_Y .. kaniya kaniya ng picture ang mga estudyante.

Napangiti ako saka napaiyak. Hala Clarence, nababaliw ka na.

“Clarence” lumingon ako sa tumawag sa akin.

“Monggy” then I raised my Diploma, he smiled.

“Congrats Rence! Sana graduate na din ako ngayon noh?”-Nics.

“Okay lang yan, may chance ka pa namang mag-aral eh”-ako.

“Congrats Iha” sabay yakap sa akin ni Tito Paolo, niyakap ko din siya, sa loob ng 2 taon siya yung tumayong Daddy ko.

“Thank you po.” Hinawakan niya ako sa mukha.

“Don’t cry Clarence, I’m sure kung andito siya magiging proud din siya sayo”lalo akong napaluha sa sinabi ni Tito Paolo.

“Hey hey Paolo! Wag mo ngang paiyakin ang Fiancè ko.” sabi ni Martin sabay akbay sa akin. Napangiti na lang si Tito Paolo.

“We have to go, magcecelebrate kami” hinawakan ako sa kamay ni Martin saka naglakad.

“Hoy! Napakaduga mo, lagi mo na lang sinosolo yung bestfriend ko!” sigaw ni Nics pero hindi tumigil si Martin sa paglalakad hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan niya.

Tahimik lang ako, hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Tito Paolo.

“Baby, ano pong iniisip mo?” di na ata siya nakatiis.

“Kung ano ng mangyayari sa akin ngayong graduate na ako”sagot ko.

“Sana pala sabay sabay tayo nila Nics na gagraduate noh?”-Martin.

“Yeah, ikaw kasi paalis-alis pang nalalaman” sumulyap siya sa akin sandali.

“You can’t blame me Baby.” Nagkibit balikat na lang ako ..

Ano kaya kung hindi umalis si Martin nun? At pinakinggan niya ako sa gusto kong sabihin sa kaniya. Magiging ganito kaya ang sitwasyon namin ngayon?

 

“Wait. Saan tayo pupunta?” parang di naman ito yung daan papunta sa bahay nila or sa bahay namin.

“It’s a secret, just wait” sabi ni Martin. Almost 2 hours atang nagdrive si Martin at ako naman tinanggal ko na yung toga ko. Shocks, nakalimutan ko pang isoli to.

“Talikod ka” sabi ni Martin.

“Bakit?”-ako. Tinaas niya yung panyo.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon