Chapter 26- Breathless :">

18.5K 197 72
                                    

Clarence’s  POV

 

“Mahal” nagulat ako ng makita kong nasa labas pa siya ng banyo.

“Ba-bakit?” iniwasan ko yung tingin niya.

“Wala. Kain na tayo?” ngumiti siya sa akin saka kami lumabas ng kwarto. Pero, napatigil ako sa paglalakad ng makita ko siya.

Si Daddy, mali. Si Felix.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Kahit na inalagaan niya ako hindi ko pa din matanggap na tinago niya sa akin ang katotohan,

Ang katotohanan kung bakit niya ako kinuha sa tunay kong pamilya.

 

“Clarence” hinawakan ako ni Mahal sa kamay dahilan para matauhan ako.

“Uh-Uhm. May pupuntahan lang ako saglit, wag niyo na akong hintayin kumain” hindi ko na sila hinintay sumagot at lumabas na ako ng bahay.

Kelangan kong mahanap ang tunay kong pamilya, pero saan ako magsisimula? Sabi ni Tito Paolo tutulungan niya ako pero natatakot ako sa magiging kapalit.

Nicolai’s POV

 

“Haaaaay Daddy naman!!”

“Sige na baby, tanggapin mo na to.”-Daddy.

“Ayoko nga po, ang baho baho niyan  eh tsaka baka mamaya maging kaamoy pa niyan yung anak ko! Eeew!!” lumayo ako sa kaniya. kaloka ang father dear ko! Inaabutan ako ng Durian! Eh jusme lang ang amoy!

“Sige na tanggapin mo na, sayang sinadya ko pa naman to Mindoro para lang ibigay sayo. Nung naglilihi kasi ang mama mo eh eto yung gusto niya” biglang nalungkot yung mukha niya. Alam ko naman na kahit may other woman tong si Daddy eh si Mommy pa din ang laman ng puso niya.

“Sige na, nakonsensya naman daw ako pero Dad ha last na to, naku pag dinalhan mo pa ako neto pasensya na lang.” nangiti siya sa sinabi ko. Oh Nicolai tiisin mo lang ang amoy.

“Oh Pa andito pala kayo” kakauwi lang ni Kevin galing sa school. Yeah pinagpatuloy niya yung pag-aaral niya. Sayang naman kasi ang utak eh tsaka maganda naman yung course niya. Tsaka para daw may maganda siyang trabaho once na grumaduate na siya :”>

“Hindi wala. Picture lang to” banat ni Daddy, buti sanay na si Kevin sa ganiyang sagot ni Daddy.

“Kala ko masamang ilusyon lang” tas napatingin siya sa hawak ko at tila kuminang ang kaniyang mga mata. Oh my! Don’t tell me!? “Wow Durian! Sarap niyan ha!”-Kevin.

“Ha? Eto masarap eh kadiri kaya”-Ako.

“Kadiri? Di mo ba alam na favorite ko yan? Edi kung ayaw mo akin na lang”-Kevin. Tapos inagaw niya sa akin!!!

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon