Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<

16.7K 141 26
                                    

Clarence’s POV

 

After the proposal sa bahay kami nila Nanay Stella nag stay, kwentuhan kami nila Kuya Anjo. Grabe! Hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makapaniwala.

Nakita ko na ang nanay at kapatid ko

PLUS

Nagpropose pa sa akin ang Mahal ko :”>

Sino bang hindi matutuwa? Halos ayaw ko na ngang matapos ang gabing yun eh. Sana ganun lagi, happy!

“Mahal!!!!”

“Bakit?!” eh? Hindi na nagsalita? Bahala ka jan nagluluto pa ako dito eh.

“Mahaaaaaaaaaaaaaaaaaal!!!!”

“Ay kalabaw!! Ano ka ba bakit ka ba sigaw ng sigaw?!!” nasa sala siya ngayon at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Nagluluto ako para sa baon naming dalawa ng fiancé ko. Naks! Sarap sa feeling.

“Punta ka dito dali!!!” ay naku naman talaga! Kahit kelan ang istorbo!!

Ano pa nga bang magagawa ko? Medyo maaga pa naman kaya hindi pa kami late.

“Ano ba yun?” tanong ko sa kaniya habang nagpupunas ako ng kamay sa apron ko.

“Look oh!! ^____________________________^” ang lapad ng ngiti, parang bata kaya hindi ko maiwasang mapangiti din. ang cute niya eh :”)

Tinignan ko yung tinuturo niya.

O_________________O

“A-ano yan?!”-ako.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon