Chapter 48-In sickness and in health?

9.5K 153 45
                                    

Clarence's POV

"Nagsisisi ka?" di ko na napigilan yung pagpatak ng mga luha ko.

Kung makapagsalita naman kasi tong si Andrei eh! Ano to, punyeta siya lang ba nahihirapan?!

"Better go to your room now" pagkaraan tumalikod na siya at lumabas ng bahay. 

Eto? Eto ba yung kapalit ng nagawa ko sa kaniya? Ang unfair!! Oo, minahal ko si Martin pero iniwan ko ba siya? Hindi ko siya pinagpalit over Martin then ..

Biglang nanikip ang dibdib ko at nahihilo ako, teka, bakit .. bakit umiikot ang paningin ko? Hanggang sa hindi ko na namalayan yung sumunod na pangyayari.

"Wake up. Hey Wake up" naramdaman kong may humawak sa kamay ko, ang init ng kamay niya. Bakit nahihirapan akong dumilat? 

"Please, wake up. Clarence" 

when I heard his voice parang may kung anong magic na nagpadilat sa mga mata ko.

And I saw him ..

The guy I least expect to visit and hold my hand.

"Magz" he smiled. 

"Psh, dapat pala tinatawag pa sa pangalan bago dumilat?" napatingin ako sa kamay ko na hawak niya at mukhang napansin naman niya yun.

"Anong ginagawa mo dito?"-ako.

"Sabi kasi ni Martin bantayan muna kita kasi may bibilhin lang siya"-Magz.

"Si Martin?"-ako.

"Oo, and to tell you Clarence ngayon lang siya umalis sa tabi mo"-Magz.

"Bakit, matagal na ba akong tulog?" grabe naman kasi kung makapagsabi ng hindi umalis si Martin sa tabi ko tong si Magz.

"3 days ka ng hindi gumigising, ano ba kasing nangyari sayo?"-Magz.

What?! 3 days? Oh no, hindi pwede .. 

Clarence, matagal ng nangyari sayo yun at hindi na babalik yun. 

"Ba-baka sa pagod lang tsaka stress"-ako.

Di nagtagal dumating na si Martin na may dala-dalang mga prutas. Pinag stay pa nila ako sa hospital para daw makapagpahinga pa ako ng maayos, pumayag naman ako. 

Para kahit papaano mawala yung sakit na naramdaman ko sa bahay na yun nung gabing mawalan ako ng malay.

Pero, habang nasa hospital ako ni anino ni Andrei hindi ko nakita.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon