Chapter 31- It's a YES

15.6K 163 69
                                    

Clarence’s POV

 

Wear this later Mahal. I love you!

 

Binalik ko yung tingin ko sa damit. Ano to? Tapos na naman yung kasal ni Mark eh bakit binili niya pa ako ng bagong damit? Ah, baka to yung isusuot ko mamaya pag nagkita kami. Kanina pa ako nawiwirduhan sa kaniya, pagkagising ko nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan ko tapos nakatingin lang sa akin. Tapos bago siya umalis eh lagi niya akong pinapaalalahanan na wag ko daw kalimutan yung date namin.

Nagring bigla yung cellphone ko.

Si Nics!

[Hello?!]

“Hello Clarence, si Kevin to. Nanganak na si Nicolai!]

“Wow! Teka teka, pupunta ako diyan!” inend na yung call saka nag-ayos. Grabe! Buti naman at natapos na yung paghihirap ng bestfriend ko at makikita na niya yung baby niya. Hay naku Clarence walang panahon para malungkot, dapat maging masaya ka para sa kaibigan mo.

Pumara na ako ng taxi at hindi nagtagal ay nakarating na ako sa hospital. Agad akong nagpunta sa kwarto ni Nics.

“Clarence” mahinang sabi ni Tita khate habang malapad ang ngiti niya. Wah! Si Nics natutulog.

“Kakatapos niya lang manganak kaya yan, nakatulog.” Sabi naman ni Kevin.

“Gusto kong makita yung baby, pwede ba?”

“Sure. Tara” naunang lumabas si Kevin kaya sumunod ako sa kaniya. waaah! Parang ako yung nanganak dahil sobrang excited ako.

“Ayun siya” sabi ni Kevin habang may turo turong baby.

“Wow. Ang ganda niya Kevin.” Ang ganda naman talaga nung baby nila.

“Salamat. Buti nga naging maayos yung panganganak niya eh.” Tinignan ko si Kevin habang nakatingin siya sa baby at nakangiti.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon