Chapter 36-Flashback

16.7K 149 79
                                    

Hello! So, ang update na to ay Flashback sa panahon nila Felix, Paolo, Stella at Leila. Ang totoong pangyayari and I'll do the 3rd POV.


***

"Mahal" nagulat si Leila ng biglang may lalaking yumakap mula sa likod niya at di siya nagkamali sa kaniyang hinala. Mula sa amoy ng pabango nito at ang mahigpit na yakap ng kaniyang mahal.

"Mahal, kanina pa kita hinihintay, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Leila kay Paolo ng humiwalay ito sa yakap at humarap sa kaniya.

"Pasensya na, nagkaroon lang ng konting problema sa bahay at alam mo na kung ano yun" bahagyang nalungkot ang mukha ni Paolo.

"Nag-away na naman si Felix at si Tito?"-Leila.

"Oo, ewan ko ba diyan kay Felix at laging sinusuway sila Papa samantalang napakadali lang naman ng inuutos sa kanya. Hay" sabi ni Paolo.

"Wag kang mag-alala, alam ko namang mabait yang si Felix baka may problema lang try mo kayang tanungin minsan diba at malay mo yun yung maging way para gumanda din ang relasyon niyong dalawa" Niyakap ni Paolo si Leila dahil sa mga sinabi ng dalaga.

"Alam mo Mahal, napakaswerte ko dahil minahal mo ko. Sure, don't worry kakausapin ko siya. Gusto ko na ding mabalik yung dati naming samahan" natuwa naman si Leila sa sinabi ng kasintahan kaya niyakap niya din ito.

Di namamalayan ng dalawa na may mga matang nakamasid sa kanila, walang iba kung hindi si Felix.

Masakit na makitang magkayakap ang dalawa lalo na't may nararamdaman din si Felix para kay Leila ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may relasyon  na sila ng kaniyang kapatid.

Bakit siya? Bakit hindi na lang ako? tanong ni Felix sa sarili. Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya napagpasyahan niyang wag ng pumasok sa unang klase niya at saka siya nagtungo sa canteen.

"Andiyan na siya" narinig niyang bulong ng isang babae habang kumukuha siya ng pera sa wallet niya.

"A-ano ka ba, ba-baka marinig ka niya" sagot naman ng babae, dahil sa inis niya tinignan niya ang dalawang babae na nag-iwas kaagad ng tingin.

"One hot coffee and lasagna." sabi ni Felix sa babaeng nagbabantay doon.

"No sugar, sir?" sagot ng babae.

"Yeah" agad na inayos ng babae yung order niya at nilagay sa isang tray pagkatapos ay binigay sa kaniya. Agad siyang humanap ng lamesa kung saan pwede siyang kumain.

"Grabe, ang sungit talaga ng itsura niya noh?"

"Oo nga eh, nakakatakot"

"Naku, nakakatakot pero nagkagusto ka naman"

"Wag ka ngang maingay baka marinig ka niya. Ang daldal mo talaga"

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon