Clarence’s POV
Yes I admit, mahal ko na nga siya, pero mahal ko din si Andrei.
Pagkagaling ko sa bahay nila Martin agad akong umuwi sa bahay. Wala na akong ganang gumala or pumunta sa kung kaninong bahay. Agad akong dumiretso sa kwarto ko. Ang sakit sakit, hanggang ngayon ramdam ko ang titig na matagal kong hindi nakita sa kaniya.
Dahil dati alam kong napalitan yun ng saya simula ng mahalin niya ako.
Simula nung makilala ko ang Monggy na yun, ginulo na niya yung buhay ko. He totally ruined my life including my feelings for Andrei.
Wala siyang awa. Wala talaga, lagi niyang pinapahirapan yung loob ko at ngayon wala ng Monggy na tutulong sa akin dahil siya mismo ang lalayo sa akin.
Kung hindi kaya kinuha ni Andrei yung cellphone ko hindi sila magkikita ni Martin? At hanggang ngayon pwede kaming magkita pa din? paramdam niya sa akin na mahal niya ako at higit sa lahat, makasama ko siya sa araw-araw?!
This is all my fault, siguro kung dati pa lang hindi ko na masyadong dinepende yung sarili ko sa kaniya eh hindi ako mahuhulog sa kaniya.
Napatingin ako sa side drawer ko at nakita ko yung picture namin ni Andrei.
Lalo akong nalungkot, nagsisinungaling ako sa kaniya. Bakit ganun? Dati naman sapat na siya sa akin, walang ibang minahal na lalaki. Pero ngayon, iba na ang lahat.
Tok tok
“Pasok” walang buhay kong sagot. Bumukas yung pintuan at nakita kong pumasok si Marga.
“Clarence.” umupo ako sa kama, tagal din naming hindi nagkita ha? Ano kayang pinagkakaabalahan ng babaeng to?
“Marga, kamusta na? tagal nating hindi nagkita ha?” tumabi siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]
Teen FictionI just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KUYA?" Story of Clarence Valdez and Andrei Valdez Sabi nila, ang maINLOVE ang pinakamasarap na feeling sa mundo. Pero paano pag INLOVE ka nga...