Chapter 47- Leave

9.2K 123 52
                                    

Clarence's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pala, di ako nakatulog dahil sa sinabi ni Mahal.

Diba pinaghahandaan ko namang sabihin sa kaniya yun? Hindi kasi madali para sa akin, pero anjan na. Nalaman na niya.

Sabi ni Nics, dapat sabihin ko na yung totoo pag nalaman na ni Andrei yung about dun. 

"Kaya mo to Clarence" andito ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mahal. Siguro tulog pa siya. 

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan.

o.O

"Sheena? Saan ka pupunta? Ang aga ha?" bago pa siya sumagot may yabag na akong narinig.

"Honey, nakuha mo na-" napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako. Si Andrei, parehas silang bihis na bihis ni Sheena, saan sila pupunta?

"Yes Dad, uhm Mommy you want to come with us?"-Sheena.

"She can't honey. Come" tumingin si Sheena kay Andrei saka sa akin, ang sakit naman nun di pa nga ako nakakasagot hindi na kaagad pwede? 

"Wait!" napatigil sila sa paglalakad.

"Honey, get in the car and wait me there okay?" tumango lang si Sheena saka lumabas ng bahay.

"Sa-saan kayo pupunta?"-ako.

"Ipapasyal ko lang si Sheena" cold na pagkakasabi ni Andrei.

"Sama ako, wala naman akong gagawin tsaka para maalagaan ko din si Sheena"-ako.

"Wala si Marga kaya walang maiiwan dito sa bahay and besides kasama naman namin si Ellaine"-Andrei.

"Ellaine?" tumingin siya sa wrist watch niya saka nagsalita 

"We have to go, baka malate pa kami sa usapan namin." walang hug or kiss sa noo akong natanggap. 

So ganun?? Dahil sa hindi kami okay si Ellaine yung kasama niya ngayon? Great! Just Great. Nagpaka busy ako buong araw, kahit ultimong pagbubunot ng patay na halaman sa garden namin ginawa ko na may magawa lang ako. Kaso nung sadyang wala na akong magawa nagpunta ako kina Nics, bahala siya! Hindi ko ikukulong ang sarili ko dito!


Pagkarating ko kina Nics, sinabi ko sa kaniya yung nangyari sa amin ni Mahal.

"What? Bumalik si Ellaine?"-Nics.

"Yeah, tsaka kung nandun ka lang maiirita ka talaga sa kaniya. And now magkasama sila ni Andrei" pag naaalala ko talaga yun naiirita ako!

"Dapat sinundan mo sila! Baliw mo talaga, nako naman Rence mali ka ng desisyon eh dali puntahan mo sila!"-Nics.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon