Chapter 35-Save the date

14.4K 166 62
  • Dedicated kay Xabelle Dagatan
                                    

Clarence’s POV

 

“Nanay!!” gulat na tumingin sa akin si Nanay Stella.

“Anak! Kamusta na? tagal mong hindi nadalaw dito ha? namiss kita”-Nanay Stella.

“Sorry po ha, madami lang po kasing ginawa. Hmmm, san po kayo pupunta nay?” may bitbit kasi siyang bayong eh.

“Mamamalengke ako nak, eh ikaw? Wala ka bang klase?!”-Nanay Stella.

“Wala po kaya nagpunta po ako dito. Sama na ako sa inyo nay” nginitian ko siya saka kumapit sa braso ni Nanay Stella.

Ang ganda lang ng gising ko. Kahit na pinuyat ako ng Monggy na yun. Pano naman kasi anong petsa na tumawag pa para lang magtanong kung ano daw ang gamot sa sipon, sinisi pa ako -_____- kahit kelan talaga ang baliw nun. Akala ko pag nasabi ko nay un eh papatayin na niya yung tawag kaso hindi pa pala. Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa nakatulugan ko siya. Mehehe.

At pagkagising ko, YUN ANG THE BEST NA GOODMORNING SA LAHAT.

Flashback

Pagkagising ko, may nakita akong …

“Waaaaaaaaaaaaaah!!!!” agad akong nagtalukbong ng kumot.

Anyare?! Nasan ako?? Nasa kwarto ba ako??

“Sino ka?! Hoy!! Magpakilala ka sa akin!!!! Paano ka nakapasok sa kwarto ko ha?! hoy!! Humarap ka sa-“

O_________________O

O//////////////////////////////O

Shems!! Nagkakasala ako!! Ang pogi niya!! Para siyang Kpop!! Kulay yellow ang buhok niya at kamukha siya ni Mahal ..

“Goodmorning Mahal .. uhm, ‘di ba bagay?” sabi niya habang nakahawak sa batok niya habang namumula at parang nahihiya.

OMG!!

“Ma-mahal?? Andrei? is that you?!!!”Ako. isang tipid na tango ang sinagot niya sa akin.

OMG lang talaga!!! Teka lang naman!! Ang pogi pogi niya!! Kung pogi na siya dati eh lalo pa siyang gwumapo!! Tinignan ko yung suot niya, plain white shirt at checkered na shorts. Thank you Lord for this another wonderful day!

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon