Chapter 46-The EX and Secret Lovers

9.8K 125 38
                                    

Clarence’s POV

 

“What? Sure ka na ba talaga diyan?” tanong ni Nics sa akin.

“Nics, nakokonsensya kasi ako kaya gusto kong sabihin sa kaniya. Oo, alam kong understanding si Andrei but siyempre mahirap na sa iba pa niya malaman diba?”-ako.

“Rence, look, I think hindi na niya kelangang malaman”-Nics.

“Ha? bakit naman?”-ako.

“Tutal ayos na ang lahat guguluhin mo pa? Tsaka saka mo na lang ipaliwanag sa kaniya ang lahat pag nalaman na niya diba? Kakabalik lang nung tao tapos yan isasalubong mo”-Nics.

Gusto ko talagang sabihin kay Andrei ang totoo pero may point tong si Nics. Kakabalik niya lang at ayos na sa amin ang lahat tapos bigla kong guguluhin?

“Sige, una na ako.” Nagpaalam na ako kay Nics. Ano bang gagawin ko? nagpunta ako sa Dominant Company kasi ngayon yung job interview ko kaso sana lang talaga makasagot ako ng maayos! Hanggang sa makarating na ako dun at yung kay Andrei pa din ang nasa isip ko, kung paano ko sasabihin? Kelan at paano? Yung tipong maiintindihan niya kung bakit ko yun nagawa?

But I have this feeling na magagalit siya sa akin :(

Of course, ako ayaw ko siyang lumalapit or sumasama kay Ellaine dati tapos ako worst eh minahal ko pa si Martin.

Natapos ang interview ko ng lutang pa din ako. As in! ni hindi ko ng nabati ng Good Afternoon yung nag interview sa akin eh. What’s happening to me?

Bzzzt Bzzzt

 

Si Mahal nagtext!

From: Mahal

How’s your interview mahal?

 

Sigh.

Siguro, eto na yung tamang oras? Para naman umayos na yung heartbeat ko!!

To Mahal:

Uhm, kita tayo Mahal wag mo ng isama si Sheena coz we need to talk

 

Tinext ko sa kaniya kung saan kami magkikita. Okay, kinakabahan ako. Basta Clarence sabihin mo sa kaniya ang lahat lahat, dapat wala kang ililihim, okay? tsaka sabihin mo yung totoo!! pag nagtanong siya sagutin mo lang, pag may hindi siya naintindihan ipaunawa mo!

NABABALIW NA AKOOOOOOOO!!

After 2 hours

 

“Mahal!” lumapit siya sa akin saka ako kiniss sa lips.

“Oh, bakit ngayon ka lang?” di mo ba alam na halos mamatay na ako sa kaba?!

“Sorry may pinuntahan lang ako saglit and gusto ko ma meet mo din siya”-Andrei. Tinignan ko siya, sobrang ngiti siya at parang ang saya saya niya.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon