Chapter 29-I love him, too

16.4K 158 67
                                    

 

Watching him from afar saddens me. What more if he’s totally away from me? Will it bury me to death?

 

Clarence’s POV

 

He’s sitting quietly under the tree which witnessed the promise he made.

Loving me is his happiness.

 

Nagulat ako sa bigla niyang pagtayo. Nanigas yung mga paa ko at parang namanhid, walang maramdaman. Lumingon siya sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin.

Walang emosyon. Hindi ko na naman mabasa kung anong nararamdaman niya.

Bakit ko ba nasabi yun? Dahil ba sa kagustuhan ko o para lang matigil silang dalawa kanina?

Saglit lang din at lumakad na siya sa direksyon na malayo sa akin. Iiwasan niya nga ako diba kaya malamang hindi siya lumapit sa akin.

Pumunta na ako sa room namin. Yung mga kaklase ko nakatingin sa akin, siyempre nga naman agaw eksena yung nangyari kanina. Pero wala ako sa mood para tignan sila isa-isa hanggang sa dumating yung prof namin. Kahit anong pilit kong mag focus sa sinasabi niya wala akong maintindihan. Hay Clarence ano bang nangyayari sayo?

**

Buti naman at pauwi na ako, nakakamatay na yung titig nung mga tao sa eskwelahan. Parang may kung ano akong sakit na nakakahawa at pag nadapuan sila nun mamamatay sila.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi maisip yung nangyari kanina. Si Andrei at si Martin, dalawang lalaking mahalaga sa akin.

At ngayong gumugulo sa mundo ko.

 

Sino ba ang matimbang?

O______O

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon