Chapter 38-Wide Awake

14.8K 153 62
  • Dedicated kay Cheska Francine Mercado
                                    

Clarence’s POV

 

“Clarence” pagkalingon ko, si Tito Paolo pala.

“Gumising na po ba si Andrei?” sasagot na sana siya ng marinig kong may tumawag sa akin.

“Rence!” si Nics! Pagkalapit niya sa akin bigla niya akong niyakap. Namiss ko tong bestfriend ko.

“Andun siya sa loob Nics, hindi ko matagalang makita siyang nasa ganung sitwasyon eh. Ang sakit, doble ang dating sa akin nun”-ako.

“Hay, wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat, okay?”-Nics.

“Bibili lang ako ng pagkain. Iha ikaw munang bahala sa kaniya.” pagkatapos umalis na si Tito Paolo, umupo muna kami ni Nics.

“Sino yun?” tanong niya.

“Si Tito Paolo, kapatid ni Daddy Felix.”-ako.

“Oh? Ngayon  ko lang siya nakita ha. Bespren, ano bang nangyari? Bakit .. bakit nabunggo si Kuya Andrei?” tanong ni Nics.

At dahil magtatanong siya ng magtatanong, kahit masakit para sa akin na balikan pa yun eh kinwento ko na lang sa kaniya ang lahat. Ang dahilan kung bakit andito si Andrei.

“OMG. Grabe naman pala yang si Tito Felix, daig pa ang Diyos eh. Napakasama niya, akala ko okay na yung problema mo. Hay Rence”-Nics.

“Gusto ko siyang saktan Nics sa totoo lang, pero anong magagawa ko eh nangyari na. Tsaka wala na akong ibang inaalala kung hindi si Andrei, namimiss ko na yung boses niya alam mo ba yun? Kanina nga sa bahay dun ako sa kwarto niya nahiga. At least nandun yung amoy niya” pinunasan ko yung luha ko. Mawawalan na ako ng tubig sa katawan eh.

“Sorry Rence wala akong maitulong, pero promise ko andito lang ako. Hindi kita iiwan okay? Si Kevin muna in charge kay Baby Nikka kasi kelangan ako ng one and only bestfriend ko eh” nginitian ko si Nics, ang sarap sa pakiramdam kasi kahit hindi kami nagkikita masyado lagi siyang andiyan para sa akin.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon