Chapter 3- He really did?? >///<

35.8K 479 79
                                    

Chammie's Note: So hello!! Ayan, unang una po sa lahat gusto kong magthank you sa lahat ng nagvote, comment, nag-add ng story na to sa Reading List nila. 

************************************************************************************************************

Clarence's POV



Tulog na siya?! 

Tanaw mula dito sa labas ng bahay namin ang madilim na kwarto ni Kuya. Wala na, hindi na ako nakapagpaexplain sa kaniya. KASALANAN TONG LAHAT NG MONGGY NA YUN!! 

Papasok na nga ako, sobrang lamig na din kasi dito sa labas eh.

"Bakit ngayon ka lang??"

"Ay kalabaw!!" muntik na akong mamatay dun ha!! Si Kuya .. 

"Hindi mo ba alam kung anong oras na? Kanina pa kita hinihintay, hindi naman kita matawagan kasi hindi mo sinasagot yung cellphone mo, teka asan pala yung bag mo?" Sheeeeeeez!! Oo nga pala naiwan ko sa room yun!!

"Ah eh .. " naku, paano ko ba to lulutusan?! Lumapit siya sa akin .. teka .. 

"Teka Kuya, uminom ka ba?" medyo malapit siya sa akin kaya amoy ko yung hininga niya. 

"Slight, magpalit ka na ng damit at baka magkasakit ka pa. Matutulog na din ako. Hinintay lang talaga kita baka kasi sumama ka na dun sa .." saglit siyang napatigil.

"Kuya, about that, maniwala ka sa akin hindi ko talaga yun boyfriend and you know me. Lahat sasabihin ko sayo diba?"

"Just one question, kayo ba ng lalaking yun?" he said on a serious tone. Tumingin ako sa mga mata niya, mga matang minahal ko sa kaniya. Shet! Para akong nahihipnotize!

"No" diretso kong sagot.

"Okay" then tinalikuran na niya ako. EEEEEEEH?! Ganun lang yun?!! Feeling ko galit pa to eh, HINDI KO HAHAYAAN NA MATAPOS ANG GABI NA TO NG HINDI NIYA AKO PINAPATAWAD!

"Ui kuya, totoo naman kasi yun eh." paakyat na kami sa taas. 

"Okay na nga" 

"Eh kuya galit ka pa din eh T^T" 

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon