Chapter 20-Engagement Party?

21.9K 283 157
                                    

Clarence’s POV

 

“Yaaaaaaaaan!! Ang bongga mo te, fit na fit ang gown eh!” sabi ni Madrid.

“Oo nga eh! Mukha siyang Princess!” pagsang-ayon naman ni Nics.

“Pwede na bang hubarin? Naaalibadbaran ako eh” bigla namang sumimangot si Madrid.

“Taray te? Oo pwede na, so mamaya ko na lang ipapadeliver to sa inyo ha? May konti pa akong aayusin” tinitignan niya yung gown ko.

“Ok” tapos bumalik na ako sa fitting room at agad hinubad yung gown ko.

Ewan ko ba at kung anong pumasok sa utak ni Daddy at sinabing icecelebrate daw mamayang gabi yung debut ko. 3 buwan na nakakalipas tapos magcecelebrate pa?!

At ang maganda

Kasabay ng engagement party nila Kuya.

“Clarence” pagsaway ko sa sarili ko. Bakit? Kasi eto na naman ako, umiiyak. I bit my lower lip para hindi marinig sa labas yung paghikbi ko.

Ang tapang ko sa harap nila Nics at nila Martin pero hindi nila alam na sobra pa din akong nasasaktan, hindi naman kasi ganun kadali yun eh. Although there’s a part of me na gustong makalimot pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama, preparing for their wedding ..

Lalo akong nasasaktan.

 

“Rence?! Rence are you okay?!” katok ni Nics mula sa labas.

“Ye-yeah! Nagbibihis na ako wa-wait lang” pinigilan ko yung pagpiyok ko. Sana lang hindi niya nahalata.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon