Chapter 9- First LQ?

30.7K 335 45
                                    

Clarence’s POV

 

 

“Bitiwan mo ko” sabay tingin sa kaniya. Ayoko sa lahat ng ganito eh, utang na loob pagod na pagod ako. Pero parang wala siyang narinig kaya ako na ang nagpumiglas sa pagkakahawak niya.

“What?” tanong niya.

“Pwede ba Monggy gusto ko ng magpahinga, uuwi na ako” binalingan ko naman tong isa “tara na Kuya uwi na tayo” pagkaraan eh lumabas na kami ng kwarto ni Monggy. Akala niya pipiliin ko siya, nevah! Siyempre yung mahal ko pipliin ko. Nakasakay na kami ng sasakyan niya pero hindi pa din siya nagsasalita? Anyare??

“Bakit hindi ka nagsasalita? Kung about to sa kanina huwag mo na lang isipin yun”

“Bakit ko naman iisipin yun? Alam ko naman na ako ang pipiliin mo eh” sabay ngiti.

“Wow ha, eh kung bumaba kaya ulit ako” binuksan ko yung pintuan ng kotse niya pero hinila niya yung kamay ko.

“Dito ka lang” sabay pout!

“Ang lakas kasi ng hangin eh, baka matangay ako bigla” tapos ngumiti na naman siya. HAAAAAAAAAY buhay nga naman parang life!! Pinisil niya yung kamay ko saka kiniss! >.<

“Yun ang iniisip ko, kasi pag siya ang pinili mo baka mapatagal pa siya sa hospital” ang bad! Nagseselos???

“Bakit ko naman siya pipiliin? Abuso?! Wala na nga akong allowance kasi nagtaxi kami tapos bumili pa ako ng mga gamot niya” nanay lang ang peg ko?!

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon