Chapter 27- Addicted

17.7K 173 64
                                    

Marga’s POV

 

Damn! Ako ang kinakabahan sa dalawang to eh!

“So, care to explain everything kuya?” saad ni Tito Felix.

“Why would I explain to you?” seryosong sagot ni Tito Paolo.

“Bakit? ‘cause you’re destroying my family! Nanggugulo ka!” napataas na yung boses ni Tito Felix, napatingin ako sa paligid. Gooooooosh yung mga tao nakatingin na sa amin.

“Really? Kung hindi mo ginawa ang katarantaduhan mo dati edi sana akin yang pamilyang sinasabi mo” natahimik si Tito Felix.

Nag-uusap sila ngayon, si Tito Paolo kasi inutusan akong makipagkita kay Tito Felix, damn! Malay ko bang magsisigawan sila dito? Ang akala ko kasi about lang sa business something.

“Sa una pa lang Felix alam mong ako ang mahal ni Leila, and worst gumawa ka talaga ng paraan para mapasayo siya?! I can’t believe it” –Tito Paolo.

“Well you can’t blame me! Si Leila lang ang babaeng minahal ko!”-Tito Felix.

“At dahil sa pagmamahal na yan nagawa mo kong gaguhin?! Kahit sarili mong kapatid kaya mong talikuran para lang sa kaniya?!”-Tito Paolo.

“Oo, lahat naman na sayo na diba? Ang atensyon nila Mama at Papa, ikaw ang laging pinapaburan at ..”-Tito Felix.

“Dahil sa selos?! Napaka kitid ng utak mo!”-Tito Paolo.

“Whatever you say!” biglang tumayo si Tito Felix “But eto ang tatandaan mo, hinding hindi mo makukuha sa akin ang anak mo.” Sabi ni Tito Felix saka siya lumabas ng café.

“Wew. O-okay. Tapos na ba ang drama!?” biglang hinampas ni Tito Paolo yung lamesa! Waaaah!!

“23 years ang tiniis ko. At ngayon gagawin ko na ang plano ko”- Tito Paolo.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon