"Nice perm." Drei replied.

"Thanks-"

"Sperm?!" Red shouted worriedly. Halatang lutang pa dahil mali na ang mga naririnig.

"Perm, Red, perm! Tanga." I corrected him, controlling myself to laugh.

"Ah, sa buhok?" Lumiwanag ang itsura n'ya nang maintindihan ang sinabi ko.

Tumango kaming apat sa kaniya kaya natawa s'ya sa sarili n'ya habang inaayos ang buhok.

Naglakad na rin si Drei papunta sa kusina at nag-init agad ng tubig. Sumunod si Red habang humihikab.

"Nice braids, ha! Ang ganda!" Red said as he jogged towards the kitchen.

Napatingin ako kay Alenzi na nakatingin na rin pala sa'kin, kunot ang noo, gustong ngumiti pero parang ayaw din.

"Anong itsura 'yan? Asim, ah?" Tanong ko at saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"They're funny but they're also weird, I can't explain."

Natawa ako sa sagot n'ya, dahil gaya ni Envo, naw-weirduhan din pala si Alenzi sa dalawa.

"Matino naman si Drei, si Red lang talaga sinto-sinto d'yan." Biro ko na narinig yata ni Red kaya nagkunwari s'yang naubo.

Ngumiti ako at nagpakita pa ng peace sign. Pekeng ngumiti si Red at tumango pa sa'kin.

Bumaling ulit ako kay Alenzi at itinaas ng pantay ang kilay. "See?"

"I agree, Drei is more chill than that redhead." She mouted and shrugged her shoulders and continued what she was doing, as did Kole, who glanced at me while smiling.

Nagkasalubong ang kilay ko dahil parang may sinasabi ang ngiti n'ya. Sinusundan n'ya pa ako ng tingin nang maglakad ako papunta sa kwarto ko para kumuha ng mga containers. Kulang na kasi.

Dumiretso ako sa kama at sinilip ang ilalim no'n. Pilit kong inaabot ang containers sa ilalim na nasa dulo na.

"Kuya!"

Galos mapamura ako ng malala ng biglang sumulpot si Kole sa kabilang side ng kama, nakasilip din.

"Ano bang trip mo?!" Iritado akong lumuhod na ginaya n'ya naman.

Malawak ang ngiti n'ya habang ako gusot ang mukha dahil sa inis. Mabuti na lang at hindi ko naibato sa kaniya ang hawak kong containers.

"Sorry na! May sasabihin lang naman ako!" Excited s'yang umakyat sa kama at umupo ro'n.

"Edi sabihin mo!" Tumingala ako at umirap. "Nanggugulat ka pa! Feeling mo nasa horror movie ka?"

She frowned at me and scratched her chin. Her face was serious, and it was obvious she was itching to tell a story.

"Ano ba 'yon?" I asked calmly, but still with a side-eye.

"Natatawa lang ako, hindi ko mapigilan na hindi sabihin."

Ngumiti s'ya ng malawak, nanginginig pa ang balikat n'ya na parang hindi na makapag-hintay.

Humangos ako at ikinalma ang sarili. Napahawak pa ako sa dibdib ko, nagulat lang talaga ako sa ginawa n'ya.

"Ang alin ba?" Yumuko ulit ako at kinuha ang containers na nabitawan ko kanina.

"Mukhang magkakasundo si Alenzi at si Drei,"

Nang iangat ko ang ulo ay kunot noo akong tumingala sa kaniya. Iyon na 'yun?

"Anong nakakatawa?" Itinaas ko nag kilay ko at saka tumayo. S'ya naman ang nakatingala sa'kin.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now