Chapter 10

3.1K 101 38
                                        

Beast

Kenji's

"Sinasabi ko na sa'yo, e." I just watched Koji smoothly sat next to me. Even though I couldn't see his face clearly, I knew he was a bit worried.

"Lasing lang ako, kaya mainit ang katawan." Mahinahong giit ko at saka sumandal sa sofa pero mukhang mahirap s'yang kumbinsihin. Alam ko sa sarili kong nakatingin s'ya sa mga mata ko, kahit pa blurry ang paningin ko ngayon.

"Hindi ka rin pala pikunin, sinungaling ka na rin." Bulong n'ya na tinawanan ko lang, nakatingin lang din ako ng diretso sakaniya tutal blurry naman sya.

"Hindi naman ako nag sisinungaling, ah. Totoo 'yon, magaling na nga ako." Giit ko pa saka binasa ang labi at susuklayin sana ang buhok ng maalaang tinali n'ya pala ito kanina, kaya ibinaba ko nalang ang kamay ko sa hita.

"Talaga lang? Kiko." My eyebrow raised on its own when he suddenly called me on my home nickname.

"Anong tawag mo sa'kin?" Tanong ko habang may ngiti sa labi. Malamang sa malamang narinig n'ya kay Tito Vince at kay Envo.

"'Di ba tinawag sa'yo 'yan ni Envo? Kiko." Sagot n'ya. I can't control my lips but smiled. Marahan akong tumango at umiwas ng tingin. Bakit ang ganda kapag sakaniya galing? Bakit ang lakas ng dating ng 'Kiko' kapag sakaniya galing?

Ayan, imbes na umiwas mas ini-enjoy mo pa talaga Kenji!

"Saan galing 'yung Kiko?" Tanong n'ya at sumandal rin sa sofa kaya nagdikit ang mga balikat namin. My heart beat start racing again as he squeeze his shoulder more into mine. Bakit ka ba ganiyan? Koji.

Tumikhim ako bago sumagot. "Galing sa second name ko, Franco. Si Tito Vince kasi mahilig mag bigay ng nickname."

Tumango-tango s'ya at isinandal ang batok sa sofa. Parang gingaya n'ya 'yung madalas kong ginagawa, sana naman hindi n'ya na adapt.

"Ako, hulaan mo kung ano second name ko." He pointed to himself and smiled like a kid at me. I was taken aback, unable to speak, when I heard him uttering those words that sounded familiar to me. I had said those words to him before, am i right?

"Uh— ha?" I shuttered.

"Bungol," bulong n'ya kaya bumagsak ang ekspresyon ko at naitikom ng mariin ang bibig. Ang ugali talaga kahit kailan.

"Hindi ako bingi!" Giit ko habang magkasalubong ang mga kilay. Bumangon sa pagkaka-sandal at tinignan s'ya ng masama "Bulag lang."

"Malabo mata mo?" Mahinahon n'yang tanong kaya lumiwanag ulit ang itsura ko. Bumabait.

"Oo.." maikli kong sagot at saka sumandal ulit sa sofa. "So ano nga 'yung second name mo?"

He smirked and then removed the blocking bangs from his eyes with his pinky finger. That's kinda...gorgeous.

"Hulaan mo nga 'di ba?" Pagmamaldita n'ya. Napairap ako at huminga ng malalim bago umusal ng sagot.

"Ahm...Jil?" I tried to guess.

"Sinong Jil?" He asked in surprise and he looked serious.

I closed my eyes really hard and turned to him afterwards. "Sabi mo hulaan ko!" I just fucking know that he'll just trippingly asked me.

"Mali ka naman!" Sagot n'ya pa na parang ako nanaman ang mali.

"Huhulaan ko ba kung alam ko?" Inis kong tanong sakaniya. S'ya naman itong kalmado lang na nakasandal sa sofa, nage-enjoy na pag tripan ako.

"Hulaan mo kasi ng tama!" Utos n'ya pa saakin kaya napadabog ako sa sahig.

"Ano ba 'yang trip mo?" Halos mangiyak-iyak kong tanong at sama marahas na ibinagsak ang kamay sa sofa. Papaano ko huhulaan ng tama 'yan?

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now