Chapter 12

3K 115 75
                                        

Our

Kenji's

It's early in the morning, I rolled up the sleeve of my buttoned-up long-sleeve shirt. Standing in front of the mirror, I adjusted my hair, tucking it behind my ears while letting a few strands fall in the front. I struck a pose, biting my lower lip, placing my hands in the pockets of my trousers, and slightly raising my left shoulder.

"Ang pogi mo naman ngayon." I said seriously to myself and then played with my tongue inside of my cheek.

"'Wag ka nga, parang tanga naman 'to, e." I acted as if I were shy, even though I was only facing myself in the mirror.

Humangos ako at umupo sa kama habang binabasa ang labi, hinablot ko naman ang cellphone sa side table ko para kumuha ng pictures pero napabuntonghininga nalang ako nang mapagtantong hindi akin ang cellphone na 'to.

"Tsk. Bakit ko ba kasi binigay sakaniya?" Bulong ko sa aking sarili na napapakamot pa sa ulo. Umiling-iling ako habang tinititigan ang cellphone ni Koji na hawak-hawak ko.

Tangina, kailangan ko nga pala talaga 'yung phone ko. Kung kailangan ko 'yung akin, s'yempre 'yung sakaniya kailangan n'ya rin.

I lay down and looked up at the ceiling, observing the fish mobile I had designed hanging there for a long time. My gaze fixated on one of the blue jellyfish. It reminded me of Koji, and I still feel sorry for what happened to him. Why did I even take his phone? It caused him to get lost the other day.

Pero ngayon, ibabalik ko na! At babawi ako sakaniya. Hindi ako papayag na hindi ko s'ya makakasama ngayong araw, lintik lang ang walang bawi.

Pangiti-ngiti akong tumango sa aking sarili at mabilis na bumangon, nag lakad ako papunta sa pinto at hinablot ang susi na nakasabit malapit doon. Pasayaw-sayaw pa ako sa hallway papunta sa elevator.

It's Thursday, that's why I'm very excited. E, ano kung maghahanap sila ng place para sa photoshoot? Papayag ba ako na sila lang ang kasama ni Koji? S'yempre hindi, 'no! Dapat ako rin! Kasi ako naman dapat. Isa pa, hindi talaga mawala sa utak ko 'yung nangyari noong nakaraan. Galit na nga s'ya saakin tuwang-tuwa pa ako kasi baka nagseselos s'ya, pero noong nalaman kong naligaw s'ya...inisip ko..

Baka sinabi n'ya lang 'yon dahil galit s'ya, binibigyan ko lang ng meaning. Friends do that? Ilang araw din akong nag tiis, hindi ko s'ya sinilip, hindi ko binisita...kasi galit.

"Ang tagal.." nakakunot noo kong bulong sa aking sarili habang naka-sandal sa pwetan ng kotse ko at patinging-tingin sa aking relo.

Nag-hihintay ako ngayon sa harapan ng building ng condo nila Koji dahil hindi naman ako papayag na hindi ako makabawi sakaniya, talagang ipag-da-drive ko sila ngayong araw. Kanina pa ako nagpapa-pogi rito, nagpapa-cute.

KANINA PA! AS IN!

Two hours na wala paring lumalabas na masungit na bata dito, ah? It's already nine am! Where the fuck is he? Impossible namang maaga silang umalis? Sinundo s'ya rito? Nino? Ni Poly? I-Untog ko 'yon, sige.

Patinging-tingin ako sa paligid nang mapansing may papalapit nanaman na mga pulubi saakin. Pareho lang ng nang-uto saakin ng nakaraan. Nakangiti ang mga ito saakin at halatang ako nanaman ang puntirya. Huminto sila sa harapan ko at nag tutulakan pang lumapit saakin.

Uutuin lang ako ng mga 'to, e.

"Kayo nanaman?" I crossed my arms and raised my eyebrows to them. Maloko silang ngumiti at kinalabit ako sa siko na iniwas ko naman.

"Pangkain lang po ulit... Kuya Pogi." Their first attempt to fool me.

Ngumiwi ako at pabirong umirap. "Akala n'yo mauuto n'yo pa ako? Nah-ah!"

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now