Free
Koji's
"Take him. I'll leave him to you, Anton. Para naman makalanghap ng sariwang hangin 'yang pamangkin mo."
"Okay lang naman sa'kin, Mom. Ang tanong...okay kaya sa kaniya?"
Pababa ako ng hagdan nang marinig ko ang usapan ng Tito at ng Lola ko. And they're referring me.
Nagkaroon kami ng maliit na sagutan ni Lola kaya naman gusto n'yang kunin na ako ng tito ko. Funny, right?
Pagkatapos nila akong ikulong dahil sa kung ano mang rason na wala naman akong kinalaman, gusto na nila akong palabasin, magkaroon ng bagong buhay sa labas, na para bang ang dali dali lang no'n.
Hindi na ako tumuloy. Kung saan ako tumigil sa hagdan, hanggang doon lang ang nakayanan ihakbang ng mga paa ko. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at nagkulong ulit. Total, ganito naman ang nakasanayan ko.
But to my surprise, someone knocked.
"Koji? Can I come in?" Si Tito Anton.
Bumangon ako galing sa pagkakahiga sa kama at nakita ko s'yang nakasilip na sa siwang ng pinto kaya tumango na rin lang ako.
Nakangiti s'yang pumasok, pero alam kong hindi iyon totoo. Umupo s'ya sa kama ko, habang ako naman ay nakasandal lang sa headboard, handa nang makinig sa mga sasabihin n'ya, handa na rin akong tumanggi sa kung anong alok n'ya.
"Gusto mo bang sumama sa'kin?" He moistened his lip and stared directly at me. Parang alam n'ya na ang isasagot ko.
I shook my head immediately, para naman matapos na at makatulog na ako. Hinintay ko s'ya buong magdamag, pero gano'n lang ang maririnig ko.
"May condo unit ako, maganda ro'n." Ngumiti ulit s'ya, "Tapos pagaaralin kita kung saan ako nagtuturo para naman mas mabantayan kita. I have friends din, marami sila."
He's trying to persuade the stubborn part of me. I felt nothing from what he said-no joy, no excitement. Nothing.
"Para rin naman sa'yo 'to. Just imagine, bagong atmosphere, bagong environment, bagong mga tao. It is for your own development." Sumeryoso ang mukha n'ya.
Yumuko na lang ako dahil kahit pilitin ko ang sarili ko, ayaw pa rin. Ewan ko ba, gusto ko rin naman makalabas pero hindi sa ganitong paraan. Pakiramdam ko, inaayawan ako ng sarili kong Lola.
"Gusto mo ba?"
I shook my head again. Kahit na paulit ulit pa ang tanong n'ya, my answer will be the same.
"Hmm," tumango s'ya at napabuntonghininga, "Desisyon mo pa rin. But I'll send you some pics ng mga friends ko, ikaw na ang bahalang humusga kung kaya mo silang pagkatiwalaan, at kung sakaling magbago ang isip mo, message me."
He smiled at me as if there were no problems at all. It was so unconvincing that I felt nothing from him.
Hindi ako sumagot at nagkunwaring walang naririnig. Pansin kong hindi s'ya gumagalaw, kalmado, pero hindi mapakali ang mata n'ya.
"Okay. I'll leave you here for now. Babalik ako next week, ha." Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya napunta ro'n ang paningin ko.
Dahan-dahan ko s'yang tinignan sa mata, at doon... doon ko nakita na nagaalala s'ya sa'kin.
I trust my Tito, but I really can't trust what's outside my safe place. Is it safe out there?
Marahang tumayo si Tito Anton at naglakad na papunta sa pinto. Sinundan ko s'ya ng tingin habang dahan-dahan humihiga sa kama.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
