Should I?
Kenji's
"Halika may gagawin tayo." Mahinahon kong sabi saka mabilis s'yang hinila na ikinagulat n'ya naman. Naisip kong pakantahin s'ya para naman magkaroon ng pera 'yung bata, kahit ayaw n'ya pa.
"Bitaw!" Sigaw n'ya pero mabilis ko s'yang nahatak sa kinauupuan ng bata kaya hindi na s'ya nakapag reklamo. Padabog pa s'yang huminto sa gilid ko at galit na tumingin saakin.
"Pst!" Kinalabit ko 'yung bata saka umupo rin sa tabi n'ya sa gilid ng kalsada. "Pahiram ng gitara mo, okay lang?"
"Po?" Gulat na tumingin saamin ang bata na hindi maipinta ang itsura. Sino ba namang hindi magugulat? Bigla ba naman tinabihan.
Ramdam ko na tumabi na rin lang saakin si Koji at tinitigan kung ano ang gagawin ko habang pasilip-silip sa bata.
"Pahiram ako? Magaling kumanta 'tong kasama ko." Paguulit ko. Pilit na ngumiti ang bata na parang nag-dadalawang isip pa kung ipahihiram ang gitara n'ya. Si Koji naman ay gulat na tumingin saakin.
"Hoy!" Tinapik ako ni Koji sa balikat kaya napalingon ako sakaniya. Tinanggal n'ya na 'yung tali at sinusuklay n'ya na ang buhok n'ya. Inilgay n'ya naman ang tali sa magkabila n'yang kamay. Hindi ko nalang s'ya pinansin lalo pa't iniaabot na rin ng bata ang gitara n'ya saakin.
"Maraming lalapit n'yan for sure," nakangiti kong sabi sa bata na ngumiti din ng alanganin saakin habang iniaabot ang gitara. "Thank you."
"Hoy! Bahala ka d'yan!" Galit akong tinapik ni Koji at saka tumalikod saakin. Natawa nalang ako at nag simula ng mag strum sa gitara ng bata, maganda ang tunog noon at nasa tono.
I started strumming the chords of 'Rainbow' by South Border. I could still see him peeking at us, which made me laugh. He was still facing away, but I could see his feet tapping on the floor, vibing along with the music.
"But oh," I sang the pre-chorus of the song while waiting for him to sing. "Can't you see?"
Can't you see, Koji? I like you.
Tumigil ako sa pag strum tinignan kung lilingon ba s'ya saamin pero hindi parin at mas hinigpitan n'ya pa ang pagkakayakap sa tuhod n'ya, kaya umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkanta.
"That no matter what happens,
Life goes on and on.." marahan kong siniko ang likuran n'ya pero hindi talaga s'ya humarap. "And so baby, just smile,"
"Just smile," the kid adlib that impressed me, nakangiti rin s'yang nakatingin kay Koji na parang hinihintay din na kumanta ito.
"'Cause I'm always around you, and I'll make you see how beautiful.." tumigil ulit ako dahilan para mapalingon s'ya ng saglit. Napangiti rin ang bata habang sumasabay saakin.
I strumm again. "Life is for you and me,"
"Take a little time," hinintay namin s'yang kumanta habang nakangiti, pero galit s'yang lumingon saamin. Ayaw talaga n'yang kumanta.
"Bilis na, Koji," ngumuso ako at kalmadong nakikiusap sakaniya. At mukhang nakonsensya naman s'ya dahil doon, humahangos at dabog na humarap si Koji saamin kaya napangiti ako at nag strum ulit.
"Take a little time," paguulit ko para tuloy-tuloy ang lyrics, hinintay ulit namin s'ya dahil mukhang nagdadalawang isip parin.
Huminga ng malalim si Koji at tumingin saamin. Umirap s'ya at binasa ang labi.
"Baby.." a very cold voice comes out from his mouth even tho he looks mad while scratching his forehead.
Napasipol ang bata nang medyo marami-rami ang naglagay ng pera sa sumbrero n'ya galing sa mga dumadaan na tao.
ESTÁS LEYENDO
Go Through The Spark (Red String Series #1)
De TodoA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
