Chapter 29

2.9K 99 37
                                        

Deep Talks

Kenji's

"Tang ina, Kenji? Nakatulog ka pa ba?" Bungad ni Math sa'kin habang nakaupo sa bar stool, nang lumabas ako sa pinto na magulo ang buhok at papikit pikit pa.

"Halata ba?" humikab ako at kinusot ang mata.

Sino ba namang hindi mapupuyat? Hanap ako ng hanap ng lugar kung saan maganda mag celebrate ng birthday. Akala mo celebrity.

Nang pag-mulat ko, doon ko napagtantong naroon din si Red sa tabi n'ya, pangiti ngiti sa'kin.

"Ba't ba puyat na puyat ka?" Tanong ulit ni Math sa'kin habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

Bago pa man ako makasagot ay nauna nang mag-bukas ng bibig si Red.

"Ano pa nga ba? Edi nanuod ng porn."

Napangiwi ako, "'Wag mo 'ko igaya sa'yo, ugok!" tinignan ko s'ya ng masama at saka umamba sa kaniya.

Natatawa pa s'yang umiwas sa akin.

Nang makalapit ako kay Math, tinignan ko s'ya ng matagal. Nakangiti s'ya sa akin. Tumatagal na ang titig ko sa kaniya kaya nangunot na rin ang noo nito.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Umiling ako. "Wala."

Natawa ulit si Red, "E, bakit titig na titig ka?" saka n'ya ako kinawayan sa mukha.

Galit kong hinawi ang kamay n'ya at tumitig ulit kay Math. Umismid si Math kaya nagsalita na ako.

"Ba't andito ka ng ganito ka-aga. Himala yata."

Sandali s'yang natigilan bago ngumisi. Instead of answering me, he pointed something using his pouty lips.

Nagtataka ko s'yang tinignan. Pati na rin si Red ay nakikituro na. Walang ideya ko naman itong nilingon.

And there's Koji, perched on the open doorway. He's wearing his blue shark-patterned pajamas, his hair styled in cute little pigtails. Katabi n'ya rin si Drei at parang bata rin nakaupo doon.

Nangunot ang noo ko, dala na rin ng pagkalutang. Tang ina! Ano kayang connect kung upo 'yung dalawa sa may pinto at sa tanong ko?

Humarap ako ulit kay Math at Red na panay ang ngiti sa akin.

"Tapos?"

Napaismid ang dalawa. Kitang kita sa mukha nila ang inis. E, ano? Hindi ko naman pala gets?

Umismid din ako. "Ano ba!? Sabihin n'yo na lang, pwede?"

Umiling si Math, "Kagabi ka pa lutang, ah. Ayos ka lang ba?" at saka s'ya bumaba sa bar stool.

"Kumain ka muna kaya?" Bumaba rin si Red at tinapik ang upuan n'ya para ayain akong doon umupo.

Sagot lang nga hinihingi ko ayaw pa ibigay. Ang dami pang pasikot-sikot, e.

At ako naman itong lutang, pakamot kamot sa ulo habang papaupo sa upuan ni Red. Ewan ko ba ba't ko s'ya sinunod.

Napangiti naman ako ng kaunti nang makitang may nakahain ng pagkain sa harap ko. Wow! Green curry.

Nagsimula na akong kumain habang ang dalawa naman ay pumunta sa sala at doon naupo sa couch. May pinaguusapan sila habang tinuturo ang kung ano sa tabi nila.

Ano ba 'yon? Malabo kasi ang mata ko lalo pa't kagigising lang, kaya hindi ko makita ng maayos.

Nanliliit ang mga mata ko iyong tinignan.  Paliit mg paliit hanggang sa malinaw na sa paningin ko kung ano iyon. Pero sinong mayari no'n?

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now