Chapter 6

2.9K 109 49
                                        

Maybe Soon

Kenji's

Umakyat kaming apat sa roof top para tulong-tulong na mag linis doon. Nauna nang bumaba si papa dala-dala ang isang case ng beer at iilang mga plato. At may dalawa pang natirang case na si Koleen nalang daw ang magdadala sa baba.

"Sleep well," mapangasar na bulong ni Koleen sa akin habang pinupulot ang mga kalat sa sahig. I looked at her with a confusion in my face.

"Sinasabi mo?" I shook my head dizzily. Tumawa s'ya at tumingin kay Koji bago n'ya ako pabirong binanggga sa balikat.

"Don't worry, malinis 'yung kwarto mo, promise." Instead of answering my question ay nag salita lang s'ya ulit ng hindi ko maintindihan at saan n'ya iyon nakukuha.

"Edi thanks!" Sagot ko sa kaniya. Kole just smiled at me meaningfully and pointed me with her finger.

Grabe, ganoon na ba ka-dumi ang utak n'ya? Ganoon na rin ba ang tingin n'ya sa akin?

I glance at Koji's direction again. Namumulot rin s'ya ng mga basura sa pwesto nila kanina. Pagewang-gewang akong lumapit sa kaniya habang hawak ang isang malaking trash bag at inilapit ito sa kamay n'ya. Tumingin muna s'ya ng matagal sa akin bago itinapon ang mga napulot n'ya.

"Alam mo...kasya ka rito, sa liit mong 'yan," natatawa kong biro sakaniya habang iniaangat ang trash bag.

Sumipa s'ya ng sulyap at saka itinapon pa ang ibang kalat na pinulot n'ya.

"Wala namang nag tatanong sa'yo." Seryoso n'yang sabi kaya napawi ang ngiti ko at padabog na umalis sa harapan n'ya.

Bumalik ako kay Koleen at iniabot sa kaniya ang trash bag. Usually, nagagalit s'ya kapag ipina-pasa ko ang trabaho ko sa kaniya, pero himalang ngumiti lang s'ya at binitbit iyon. Adik talaga.

"Oo na, ako na. Ako na magtatapon. Mag le-late night talk pa ba kayo rito?" Biro n'ya pa bago itinali ang dulo ng trash bag at ipinatong iyon sa case ng beer na dadalhin n'ya sa baba.

"Late night talk mo ulo mo." Natatawa kong sagot. Maloko pa s'yang ngumisi bago naglakad papunta sa hagdan, sumulyap pa talaga s'ya sa akin bago bumaba at ngumiti ng matindi.

Napapailing nalang akong nilingon si Koji na naka-upo na sa duyan habang kumukuha ulit ng mga random photos. Kahit medyo nahihilo na ako ay patakbo akong lumapit sa kaniya at umupo sa upuang katabi ng duyan.

Nagkatinginan kami. Ngumiti na lang ako bigla. Hindi ko naman kontrolado.

"Lasing ka yata masyado?" Bigla n'yang tanong na hindi ako tinitignan, lumipat ang ang mata n'ya sa halaman na kinukunan n'ya.

I chuckled sofly and fix my hair with my fingers. "Nah-uh. Hindi pa nila ako nalalasing," Pagmamayabang ko.

"Lasing ka nga ngayon, e." He said like he's very sure about it. I raised my eyebrows and bit my lower lips as I titled my head slightly.

My head was banging and it feels like my body is already wants to rest and get a deep sleep.

"No, i am not drunk," I answered emphatically.

"Edi anong tawag mo d'yan? Antok?" He pointed my eyes. Nagkasalubong ang mga kilay ko, ano namang problema sa mata ko? Pinapakita ba d'yan na lasing ako?

"Ano meron sa mata ko?" I asked and frowned at him.

Umupo s'ya ng tuwid at tinitigan ako sa mata. At kahit malabo ang mata ko, I can see his pretty features clearly right now. He's very pretty. Napalunok ako pero tumitig ako pabalik sakaniya, ilalaban ko ang pinas!

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now