Denied
Kenji's
Hindi ako nakagalaw. Nanatiling gulat ang reaksyon habang nagiisip ng pupwedeng ipalusot.
Nakatingin silang lahat sa direksyon ko—naghihintay. Nakakatakot. Nakaka....
Pressure.
"Tangi—Tang ina, ang lakas ng music!" 'Yun na nga ang lumabas sa bibig ko.
"Ahh!" Sabay-sabay silang napasandal sa kinauupuan nila, para bang nakahinga ng maluwag.
"Gago! Hinaan mo kasi Math!" Singhal ni Red kay Math na mabilis din naman nitong sinunod habang ang gulat n'yang mga mata ay nakatingin sa akin.
"Must have been the wind. Kung anu-ano na lang naririnig ko, e." Tumawa si Red saka sumubo ng mangga, habang ang iba, dahan-dahan ang galaw at tila ba hindi pa naiintindihan ang nangyayari.
"Same!" Kole laughed awkwardly and bit her lips. Sinasakyan n'ya si Red.
"Music lang pala. Bakit kasi putol 'yung mura mo?" Si Envo na pinandidilatan ako ng mata kaya napainom na lang ako ng tubig.
Alam ko namang naniwala agad si Red dahil tanga 'yan minsan, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Tinignan ko si Koji na dahan-dahang tumatalikod. Nakikipagusap na kay Poly na parang wala lang ang nangyari.
Fuck. Ako itong gustong gusto nang umamin sa kanila, tapos ngayon... natatakot ako?
I just need Koji's approval. I need it so bad.
"Hinaan mo na!"
"Atat?"
Habang nagbabangayan sila Math at Red, natulala na lang ako sa mesa. Nanlalamig ang kamay, tuyo ang lalamunan kahit lumagok na ako ng tubig, at higit sa lahat nasasaktan.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, e, ako naman itong tumanggi. Perhaps I'm hurt because I can't openly display our relationship.
"Parang kulang pa 'yang mangga, 'no? Aakyat pa kami ni Kenji!"
Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko. I looked up and it's Envo.
"Right?" Pinisil n'ya iyon kaya napatango na lang ako.
"Right!"
Sa kaba ko habang tumatango sa kanila, nakalimutan kong may sumbrero akong suot at hinawi iyon kaya nahulog sa mesa na hindi ko na rin kinuha pa.
Naglakad kami sa gitna ng malawak na guava farm, malayo na sa pwesto kung saan kami kumain. Tulala pa rin ako dahil sa nangyari. Hindi kasi mawala sa utak ko, e.
Hindi ko na namalayan na malayo na pala si Envo sa akin, nakakatamad din naman tumakbo kaya ipinagpatuloy ko na lang ang walang buhay kong lakad.
"Tabi!" Bumalik na lang ako sa ulirat nang may bumangga sa akin at nagmamartsang inunahan ako at sumunod kay Envo sa paglalakad.
This little guy. He's mad, right?
I chased Koji quickly and even with my small steps, I'm sure I'll catch him. Wala na rin naman makakakita sa amin dito. Kung meron man, siguradong iisipin nila na nagaaway kami.
"Mad, huh?" Inunahan ko s'ya at naglakad paatras. Mapangasar kong pinatayan ang paningin n'ya, may pa kindat pa.
Pero hindi yata natuwa ang isang 'to at tumigil s'ya sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay. "Tumabi ka d'yan." Utos n'ya.
I crossed my arms and sighed. "No."
Rinig ko ang pag ismid n'ya. Umiling pa s'ya bago nagpumilit na maglakad at lagpasan ako, pero hinawakan ko ang braso n'ya. Hindi gano'n kalakas, ayaw kong nasasaktan s'ya. Buti na lang at hindi s'ya pumalag.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
